Kasaysayan Ng Wika (GE10: Wikang Filipino) Flashcards
Marami sa mga Pilipino sa panahong ito ang nagsulat ng akda na naglalaman
ng masidhing pagkakaisa ng damdamin gamit ang Wikang Tagalog. Dahil dito,
naganap ang kauna-unahang pagkilala sa Tagalog bilang wikang Opisyal.
Panahon ng Saligang Batas na Biak na Bato
P.Saligang Batas na Biak na Bato
Anong batas:
“Ang wikang Tagalog ay siyang
magiging Opisyal na Wika ng
Republika.”
Artikulo VII
ng Saligang Batas na Biak-na-Bato noong Nobyembre 1, 1897
P. Amerikano
Noong 1901, ipinatupad ng Philippine
Commission ang Batas na nag-aatas na sa paggamit ng Ingles
bilang wikang panturo o midyum ng
pagtuturo sa lahat ng paaralan sa
Pilipinas.
Batas Blg. 74.
Sino ang nagsabi na
“hindi naging mabunga ang
pagkatuto ng mga kabataan gamit ang wikang Ingles.”
Monroe Educational Survey Commission noong 1924
P. Amerikano
Batas noong 1931 na nagtagubilin sa paggamit ng wikang bernakular bilang
wikang pantulong sa pagtuturo sa buong kapuluan.
Batas Komonwelt Blg. 577
(BKB 577 - 1931)
Sino ang nagtatag ng isang
wikang Pambansa? (Pangulo)
Pangulong Manuel L. Quezon
Batas na nagbibigay bisa sa pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa
Batas Kommonwelt Blg. 184
BKB 184
Ano ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP)?
Ang SWP ang inatasan na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa umiiral na
katutubong wika sa Pilipinas at mula sa mga ito’y pinili ang magiging batayan sa
wikang Pambansa.
Walong pangunahing wikang umiiral sa Pilipinas
Waray, Tagalog, Bicol, Ilokano, Cebuano, Hiligaynon, Tausug,
Kapampangan at Pangasinan.
Sa pagpili ng magiging batayan ng wikang Pambansa ay ang sumusunod;
(1) ginagamit ng nakararaming Pilipino na siyang wika ng Maynila na sentro ng
kalakalan,
(2) ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan ng lahi,
(3) may pinakamaunlad na balangkas, mayamang mekanismo, at madaling
matutuhan ng mga Pilipino,
(4) maraming salita na may pinakamalapit na hawig sa iba pang wika.
Petsa kung kailan naghain ng resolusyon ang SWP na nagsasabing wikang
Tagalog ang nakatugon sa lahat ng pamantayan ng Lupon.
Nobyembre 9, 1937
Anong batas ang nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusan na nagpapatibay sa kapasiyahan ng SWP
Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134
(KT 134 - 12/30/1937)
Nagsulat ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa
Lope K. Santos.
Pormal na iniatas noong Abril 1, 1940 ang
paglilimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa ni
Lope K. Santos.
Kautusang tagapagpaganap Blg. 263
(KT 263 4/1/40)
P. Malasariling Pamahalaan
Batas na nag-aatas simulang ituro ang Wikang Pambansa sa ika-4 na taon sa mataas na
paaralan at sa ikalawang taon sa mga paaralang normal.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 1
(KP 1)
Kailan dumating ang mga Hapones sa bansa.
1941-1945