Kasaysayan ng Wika Flashcards
Ilang panahon ang may malaking kaganapan patungkol sa Kasaysayan ng Wika?
9
Anu-ano ang mga panhaon na kabilang sa Kasaysayan ng Wika?
-Katutubo,
-Kastila,
-Saligang Batas ng Biak na Bato,
-Amerikano,
-Malasariling Pamahalaan,
-Hapones,
-Republika,
-Bagong Republika, at
-1986 hanggang Kasalukuyan.
Sistemang pagsusulat sa panahon ng Katutubo?
Baybayin
Ano ang ibang katawagan ng Baybayin?
Alibata
Ilang binubuong titik ang mayroon sa Baybayin?
17 simbolo na kumakatawan sa titik
Ilan ang katinig sa Baybayin?
14
Ilan ang patinig sa Baybayin?
3
Sa panahon ng Kastila, ano ang wikang ginamit ng mga Pilipino?
Wikang Bernacular
Ano ang Prayle?
Sila ay mga miyembro ng misyonaryo sa pagpapalaganap ng Katolisismo sa Pilipinas.
Ano ang sinulat ng mga prayle sa panahon ng Kastila?
aklat panggramatika at diksyunaryo (according sa slides hehe) (pwede siguro Doktrina Christiana)
Ano ang Doctrina Christiana?
ito ay naglalaman ng mga panalangin at katekismo na nakasulat sa alpabetong Romano.
Anong paraan/sistemang pagsulat ang ginamit sa Doctrina Christiana?
Alpabetong Romano
Ito ay nailimbag sa panahon ng Kastila na naglalaman ng mga panalangin at katekismo na nakasulat sa alpabetong Romano.
Doctrina Christiana
Ano ang Abecedario?
Ito ang ipinalit sa Baybayin na siyang sistemang pagsusulat ng katutubong Pilipino.
Ano ang ipinalit sa Baybayin sa panahon ng Kastila?
Abecedario
Ilang simbolo ang bumubuo sa Abecedario?
31
Sa anong panahon itinatag ang Tagalog bilang wikang opisyal?
Saligang Batas na Biak-na-Bato
Nobyembre 1, 1897
[P. Saligang Batas]
Anong Artikulo ang nagsasabing Tagalog ang magiging wikang Opisyal?
Artikulo VII
Anong wikang pantulong na ginagamit sa pagtuturo sa Panahon ng Amerikano?
Wikang Bernakular
Anong Batas ang nagsasabing WIKANG BERNAKULAR ang gamitin bilang wikang pantulong sa pagtuturo sa panahon ng Amerikano?
Batas Komonwelt Blg. 577
Ano ang wikang ginagamit sa panahon ng Amerikano?
Ingles at wikang Bernakular
Halimbawa ng mga Paaralang itnayo sa panahon ng Amerikano.
The University of Manila; Siliman University
[P. amerikano]
Ano ang nais iatas ng Philippine Commission noong 1901 sa Batas Blg. 74?
Ito ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo
Ano ang wikang Pambansa sa panahon ng Amerikano?
Ingles
Ano ang dahilan bakit hindi naging matagumpay ang pagpaigting ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ng Pilipinas?
ito’y dahil hindi naging mabunga ang pagkatuto ng mga kabataan gamit ang wikang Ingles
sino ang presidente sa PANAHON NG MALASARILING BANSA?
Manuel L. Quezon
Ibig sabihin ng SWP at ano ito
Surian ng Wikang Pambansa. Ito ang paggsasagawa ng pag aaral hinggil sa umiiral na katutubong wika sa Pilipinas na magiging batayan rin sa magiging wikang pambansa
Anu-ano ang mga batayan sa pagpili ng wikang pambansa sa SWP?
- ginagamit ng nakararaming Pilipino na wika ng Maynila, sentro ng kalakalan
- ginagamit sa pagsulat ng dakilang panitikan ng lahi
- may pinakamaunlad na balangkas, mayamang mekanismo, at madaling
matutuhan ng mga Pilipino, - maraming salita na may pinakamalapit na hawig sa iba pang wika.
[P. Malasariling Pamahalaan]
Kailan inihain ng SWP ang resolusyon na nagsasabing wikang Tagalog ang nakatugon sa lahat ng pamantayan ng Lupon?
Nobyembre 9, 1937
Kailan nilagdaan ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa kapasiyahan ng SWP?
Disyembre 30, 1937
[P. Malasariling Pamahalaan]
Ano ang nilagdaan ni Pang. Manuel L. Quezon na nagpapatibay sa kapasiyahan ng SWP?
Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134
[Not an important question]
Dito, pormal na iniatas ang
paglilimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa ni
Lope K. Santos
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
[P. Malasariling Pamahalaan]
Siya ang ama ng BARILALA ng WIKANG PAMBANSA
Lope K. Santos
Kailan pormal na iniatas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ang paglilimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos?
Abril 1,1940
[P. Malasariling Pamahalaan]
Ano ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 1?
ang pagturo ng wikang pambansa sa ika-4 na taon sa mataas na paaralan at sa ikalawang taon sa mga paaralang normal.
Ito ang nag-aatas na simulang ituro ang Wikang Pambansa sa ika-4 na taon sa mataas na
paaralan at sa ikalawang taon sa mga paaralang normal.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 1
Anong taon dumating ang mga Hapones?
1941-1945
[P. Hapones]
Ano ang Military Order Blg. 2?
Iniutos ng pamahalaang hapones na TAGALOG at NIHONGO ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas.
Sa Pebrero 17,1942, ano ang mga kaganapan?
Itinanghal ang wikang Tagalog at Nihonggo bilang wikang pambansa sa ilalim ng Military Order Blg. 2.
Siya ang nagpatupad sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na nag-aatas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa mga kolehiyo at unibersidad.
Jose P. Laurel
[P. Hapones]
Ano ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10?
Ito ay nag-aatas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa mga kolehiyo at unibersidad.
[P. Hapones] Ito ay ipinatupad ni Jose P. Laurel at nag-aatas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa mga kolehiyo at unibersidad.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10
Bago pa man nagkaroon ng digmaan, naideklara na ito bilang opisyal na
wika sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hulyo 4, 1946.
Tagalog
[P. republika]
Ito ang batas na nagdeklara ng Wikang Tagalog bilang wikang opisyal noong Hulyo 4, 1946
Batas Komonwelt Blg. 570
[P. Republika]
Siya ang lumagda sa Proklamasyon Blg. 12 na
nagtatadhana sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29 hanggang Abril 4 bilang pagbibigay parangal sa kaarawan ni Francisco Baltazar.
Ramon Magsaysay
[P.Republika]
Ito’y batas na PINALITAN ANG PETSA ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa AGOSTO 13-19 bilang
pagbibigay pugay sa kaarawan ni dating pangulong Manuel L. Quezon na
nagbukas ng ideya sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
Proklamasyon Blg. 186
Dito, pinaniniwalaang mas magiging katanggap-tanggap ang Pilipino bilang wikang
Pambansa sa bago nitong pangalan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
-Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Oktubre 24, 1967.
- Inaatas ang pagsasa-Pilipino ng pangalan ng mga gusali, edipisyo at mga
tanggapan ng pamahalaan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
Memorandum Sirkular Blg. 172
Inaatas na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at sangay ng
pamahalaan ay nararapat na isulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa
Ingles.
[P. republika]
Ito ay pormal na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at
iba pang sangay ng pamahalaan na gagamitin ang Pilipino sa opisyal na
komunikasyon, transaksyon at korespondensiya.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
[P. Bagong Lipunan]
Sa pamamagitan nito, ang Wikang Pambansa ay naging wikang panturo sa antas elementarya.
Resolusyon Blg. 70 noong 1970
[P. republika]
Hiniling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa tuwing
Agosto 13-19.
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29 1971
[P. Republika]
Muli namang binuo ni pangulong Marcos ang Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304
ang kauna-unahang Saligang Batas na inilimbag sa wikang
Pambansa nang isailalim ito para sa plebisito noong Enero 15, 1973.
Saligang Batas ng 1972
[P. Republika] Sa pamamagitan nito, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas elementarya.
Resolusyon Blg. 70 noong 1970
[P. Bagong Lipunan]
Dito, pinagtibay ng Pambansang Lupon ng Edukasyon na nagsasabing ang Ingles at Pilipino ay isasama sa kurikulum mula sa baitang sa mababang paaralan hanggang kolehiyo.
Resolusyon Blg. 73
[P. Bagong Lipunan] Ito ay nag-uutos sa pagkakaroon ng anim (6) na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa
antas tersyarya at labing dalawang (12) yunit ng Filipino sa mga kursong pang-
edukasyon.
Kautusan Pangmistri Blg. 22 noong Hulyo 21, 1978
[P. kasalukuyan]
Anong kautusan nakasaad ang “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
1987 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV, Seksiyon 6
Noong Enero 1987, ano ang bagong ipinangalan sa SWP?
[LWP] Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
[P. Kasalukuyan]
Ito ang pagsagawa ng reporma sa alpabeto at mga tuntunin sa ortograpiyang
Filipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81
[not important question] Pamagat ng reporma sa alpabeto at mga tuntunin sa ortograpiyang
Filipino.
Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Ito ang bago at kasalukuyang pangalang ipinalit ng LWP [Linangan ng mga Wika sa Pilipinas]
KWF- Komisyon sa Wikang Filipino
[P. Kasalukuyan]
Siya ang lumagda sa Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
Pang. Fidel V. Ramos
Sa pamamagitan nito, napagkasunduan ang sumusunod na depinisyon ng Filipino.
“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkatang katutubo sa
buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhat, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at
iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas
ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at makapagtampok sa
mga lahok na nagtataglay ng mga malikhain katangian at kailangang karunungan mula sa
mga katutubong wika ng bansa.”
Kapasiyahan Blg. 13-39