KASAYSAYAN NG BATUTIAN Flashcards
Isang uri ng tulang patnigan na hinango sa balagtasan. Ipinangalan ito sa unang hari ng balagtasan. Ginagawa ito sa lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring katatakutan.
BATUTIAN
Siya ang unang hari ng balagtasan.
HUSENG BATUTE O JOSE CORAZON DE JESUS
Ano ang layunin ng batutian?
Magbigay aliw sa pamamagitan ng malikhain at nakatatawang paglalahad ng mga argumento o isyung panlipunan.
Elemento ng batutian na tumutukoy sa mas impormal at malikhain, madalas puno ng pagbibiro, katuwaan at panunukso.
TONO
Elemento ng batutian na gumagamit ng tula, mas malaya sa anyo at estilo. Ang mga tagapagtalo ay gumagamit ng mga patawa at satire upang panatilihing masaya at nakaaaliw ang debate.
ESTILO NG PAGTATALO