Karunungang Bayan, Magkasingkahulugan at Magkasalungat Flashcards
isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapabilang sa bawat kultura ng bawat tribu.
KARUNUNGANG-BAYAN
Ito ay isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
SALAWIKAIN
ay nagtataglay ng patalinghagang pananalita. Ito ay paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng tao na may nakatagong kahulugan.
SAWIKAIN / IDYOMA
Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay may payak na kahulugan pagdating sa kilos, ugali, at gawi ng isang tao.
KASABIHAN
ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
Bugtong
Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
PALAISIPAN
ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masamang espiritu.
Bulong
ay tumutukoy sa mga salitang may taliwas na pagpapakahulugan ng mga salita.
Kasalungat
ay tumutukoy sa mga salitang magkaparehong kahulugan.
Kasingkahulugan
Anak na di paluhain, Ina ang patatangisin
salawikain
Basa ang papel - masama ang kasaysayan
sawikain/Idyoma
Gaya-gaya Puto maya, Ibig nang mag-asawa
Kasabihan
May isang prinsesa nakaupo sa tasa. (kasoy)
Bugtong
Sa gitna ng dagat ano ang iyong makikita? (letrang G)
Palaisipan
Huwag magagalit kaibigan Aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan
Bulong