Kahulugan ng WIka (Week 1) Flashcards
ayon sakanya, ang wika ang masistemang simbolo sa tinig at sulat ng tao sa pagpapahayaf ng kaisipan at damdamin
Jose Arrogante
ayon sakanya, ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, etc
Alfonso O. Santiago
ebas nya, ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikpagtalastasan
Mangahis
ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
Henry Gleason
Wika ay isang kalipulan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan
P. Constantino at G. Zafra
wika ay parang hininga, gumagamit tayo nito upang kamtin ang bawat pangangailangan natin
Bienvenido Lumbera
opisyal na wika at wikang panturo nung panahon ng kastila
espanyol
dalawang wikang gamit nung panahon ng amerikano
espanyol at ingles
dumami ang natutong magbasa at magsulat sa wikang ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyin ng?
Komisyong Schurman
Kailan itinatag ang komisyong schurman
Marso 4, 1899
itinadhanang tagalog ang opisyal na wika
Konstitusyyong Probisyonal ng Biak-na-Bato 1897
noong taong ito, halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang ingles
1935
noong date na ito ipinagtibay ang batas tydings mcduffie
Marso 24, 1934
nagpatibay ng batas tydings mcduffie
Pangulong Franklin D. Roosevelt
batas na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos anf sampung taong pag-iral ng pamahalaang komonwelt
batas tydings mcduffie
nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa “ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika
artikulo 14 section 3 ng konstitusyon ng 1935
kailan pinagpatupad ang artikulo 14 section 3 ng konstitusyon ng 1935
feb 8 1935
walong pangunahing wika
cebuano pangasinan hiligaynon kapampangan waray tagalog bikol ilokano
kelan itinagubilin ang surian ng wikang pambansa
oktubre 27, 1936
onis ang nagtagubilin ng surian ng wikang pambansa
manuel luis m. quezon
gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa pilipinas, sa layuning makapgpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral
Surian ng wikang pambansa
date kung saan pinagtibay ng batasang pambansa ang batas komonwelt blg. 184
nov 13, 1936
batas na lumilikha ng isang surian ng wikang pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Batas komonwelt blg. 184
date kung saan hinirang ni manuel quezon ang mga kagawad na bubuo ng surian ng wikang pambansa
Jan 12, 1937
Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng _____
Batas Komonwelt Blg. 333
date kung saan sinabi na ang wikang Tagalog ang lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt blg 184, kaya itinagubilin sa pangulo na iyon ang pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa
Nov 9, 1937
date kung kelan inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
Dec 30, 1937
kautusan na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa (panahon ng komonwelt)
Tagalog
date kung kelan inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
April 1, 1940
Ipinag-uutos nito ang:
- pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa;
- pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.
nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista”
Panahon ng hapon
Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang
purista
ayon sakanya, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
Prof. Leopoldo Yabes
pagtapos ng panahon ng amerikano, sa panahong ito, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika
Panahon ng hapon
date kung kelan pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570
Hunyo 7, 1940
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog)
Batas Komonwelt Blg. 570,
kelan itinakda na opisyal na wikang pambansa ang tagalog
Hulyo 4, 1940.
kelan nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12
Marso 26, 1954
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon
proklama blg. 12
Araw ni Balagtas
april 2
date kung kailan inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
Agosto 13, 1959
nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
date kung kailan naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
Oktubre 24, 1967
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
date kung kelan nilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172
Marso 27, 1968
nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
Memorandum Sirkular Blg. 172
date kung kelan nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22
Hulyo 21, 1978
nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit
Kautusang Pangministri Blg. 22
date kung kailan pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas
feb 2, 1987
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika
Artikulo 14, Seksyon 6
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Artikulo 14, Seksyon 7
taon kung kelan pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52
1987
nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
Kautusan Blg. 52
taon kung kailan Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59
1996
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika)
CHED Memorandum Blg. 59
date jung kelan nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041
Hulyo, 1997
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino
Proklama Blg. 1041
katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
Tagalog
unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas
Pilipino
kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
Filipino