Kahulugan, Katangian at Antas ng Wika Flashcards
Ito ay midyum ng komunikasyon na ginagamit ng tao sa pakikipagkomunikasyon upang sila ay magkaintindihan at magkaunawaan.
Wika
Ano ang wika ayon sa mga Linggwista, Dalubhasa, Awtor at iba pang Awtoridad sa Wika
Ang wika ay ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
Ang teoryang ito at batay sa kwento tungkol sa isang grupo na gustong mahigitan ang kapangyarihan ng Diyos kaya gumawa sila ng higanteng tore paakyat sa langit. Nagalit ang Diyos nang makita niya ito kaya iniba-iba niya ang mga wika ng mga tao para hindi na sila magkaintindihan at magkaunawaan.
Tore ng Babel
Ayon sa teoryang ito maaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Teoryang Bow-Wow
Ayon sa teroyang ito unang natutong magsaita ang mga tao, nang hindi sinasaya ay napabulalas sila bunga ng mga masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang Pooh-Pooh
Ayon sa teoryang ito, pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Teoryang Yo-He-Ho
Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay nag-ugat sa mga tunog na nililikha sa ritwal na kalauna’y nagpapabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y naging salita.
Teoryang Ta-Ta
Kanino nagmula ang depinisyong ito tungkol sa wika?
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryi upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Henry Gleason
Ito ang pag-aaral ng tunog.
Ponema
Ito ang maka-agham na pag-aaral ng tunog.
Ponolohiya
Ito ang pag-aaral ng salita.
Morpema
Ito ang maka-agham na pag-aaral ng salita.
Morpolohiya
Ito ang paraan kung paano isasaayos o paglalapatin ang mga salita sa isang pangungusap.
Sintaksis
Ito ang paraan kung paano naisaayos ang pangungusap. Mas nagiging maayos at malinaw ang mensahe ng pangungusap.
Diskurso