Kagalingan sa Paggawa Flashcards
“Ang paggawa ng mabuti ang nagtutulak sa tao na maging magaling.”
Pope John Paul II
Gawain ng tao na nangangailangan ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito ng buong husay at pagmamahal.
Kagalingan sa Paggawa
Tumutukoy sa pagsisikap na gawin/tapusin ang isang gawain na walang pagmamadali at buong pagpapaubaya.
Pagpapahalaga
Nagsasabuhay sa Pagpapahalaga (KaTiMaMaDi)
Kasipagan, Tiyaga, Masigasig, Malikhain, Disiplina sa Sarili
pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na walang pagmamadali at buong pagpapaubaya
Kasipagan
pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa paligid
Tiyaga
pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain
Masigasig
produkto/gawaing lilikhain bunga ng mayamang pag-iisip at hindi panggagaya
Malikhain
pagkaalam ng hangganan at may paggalang sa ibang tao
Disiplina sa Sarili
tumutukoy sa abilidad ng isang tao; masasabi na ang talento ay isang indikasyon ng kakayahan
Kakayahan
Nagtataglay ng Kakailanganing Kakayahan
Pagkatuto sa Gawain, Pagkatuto Habang Ginagawa, Pagkatuto Pagkatapos ng Gawain
yugto ng paggawa ng plano (goals)
Pagkatuto sa Gawain
yugto na magtuturo ng iba’t ibang estratehiya
Pagkatuto Habang Ginagawa
pagtataya ng resulta/kinalabasan ng gawain
Pagkatuto Pagkatapos ng Gawain
Mga Kakayahan sa Paggawa (“Life is a continuous exercise in creative problem solving.”)
Michael Gelb
Mga Katangian na Makatutulong Maisabuhay ang Kagalingan sa Paggawa (CuDiSaSArCorCon)
Curiosita, Dimonstrazione, Sansazione, Sfumato, Arte/Scienza, Corporalita, Connesione
tumutukoy sa pagiging mausisa; pagtatanong ng kritikal at hindi nakukuntento sa impormasyong ibinibigay
Curiosita
tumutukoy sa pagkatuto mula sa hindi malilimutang karanasan
Dimonstrazione
tumutukoy sa paggamit ng pandama sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao
Sansazione
tumutukoy sa kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan sa isang bagay
Sfumato
tumutukoy sa pantay na pananaw tungkol sa agham, sining, katwiran, at imahinasyon
Arte/Scienza
tumutukoy sa tamang pangangalaga sa pisikal na katawan ng tao upang maging malusog at hindi magkasakit
Corporalita
tumutukoy sa pagkilala at pagbibigay halaga na ang lahat ng bagay at pangyayari ay magkakaugnay
Connesione
tumutukoy sa paggawa bilang naaayon sa kalooban ng Diyos; papuri at pasasalamat
Pagpapasalamat sa Diyos