KABANATA I Flashcards
Ito ay isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Dito
tinatalakay ang mga sagot sa tanong na ANO at BAKIT.
PANIMULA O INTRODUKSIYON (RASYONAL)
to ang unang bahagi ng papel. Nakatala rito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa. Inilalalahad sa unang bahaging ito kung saan at paano nagsimula ang ideya.
PANIMULA O INTRODUKSIYON (RASYONAL)
Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pagaaral.
LAYUNIN NG PAG-AARAL (PAGLALAHAD NG SULIRANIN)
Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik.
LAYUNIN NG PAG-AARAL (PAGLALAHAD NG SULIRANIN)
Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral na dapat masagot o matugunan.
LAYUNIN NG PAG-AARAL (PAGLALAHAD NG SULIRANIN)
Mga anyo/paraan ng paglalahad ng suliranin:
- ANYONG PATANONG (Question Form)
- ANYONG PAPAKSA (Topical Form)
Ginagamitan ng tanong na “Ano” o “Paano”.
ANYONG PATANONG (Question Form)
Ang anyong ito ay mas ginagamit sa mga pangkalakalang pananaliksik na sa halip na tawaging “paglalahad ng suliranin”
pinapalitan ito ng katagang “mga layunin ng pag-aaral”
.
ANYONG PAPAKSA (Topical Form)
Nilalahad dito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAGAARAL
Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya
KAHALAGAHAN NG PAGAARAL
Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.
SAKOP AT LIMITASYON
Dito itinakda ang parameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pag-aaral.
SAKOP AT LIMITASYON
Ang SAKOP AT LIMITASYON ay nagatataglay ng?
dalawang talata
Ito ay nakabatay sa umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng
pananaliksik
BALANGKAS TEORITIKAL
Ito ay naglalaman ng konsepto na hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng
pagsisiyasat. Ang balangkas ay nagpapakita ng isang paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Isinasaad nina ____________________, ito ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano binibigyang kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang
pananaliksik.
Grant at Osanloo (2014)
sa Sakop at Limitasyon, ang unang talata ay naglalaman ng
______________________, habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy naman sa __________________.
saklaw ng pag aaral; limitasyon ng pananaliksik
Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin sa pag-aaral.
SAKOP AT LIMITASYON
Ipinapakita sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng ginagawang pagaaral.
SAKOP AT LIMITASYON
Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak na panahong sakop ng
pag-aaral.
SAKOP AT LIMITASYON
Inililista rito ang mga salitang ginagamit sa pag-aaral. Tanging mga katawagan, salita, o pariralang may espesyal na gamit o natatanging kahulugan sa pag-aaaral ang bibigyan ng depinisyon.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap.
OPERASYONAL NA PAGPAPAKAHULUGAN
Ito ay ang istandard na kahulugan. matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.
KONSEPTWAL NA PAGPAPAKAHULUGAN