Kabanata 6-13 Flashcards
Ano ang pamagat ng ika-anim na kabanata?
Si Basilio
Ano ang tawag sa misa sa hatinggabi o madaling araw?
Misa de Gallo
Saan nagtungo si Basilio sa gabi ng Noche Buena?
Sa kagubatan na dating pagmamay-ari ng mga Ibarra
Bakit maingat si Basilio sa pagpunta sa puntod ng kanyang ina?
Dahil walang ibang taong nakakaalam na duon nilibing ang kanyang ina, at mahigpit rin itong habilin sa kanya
Sino ang tumulong kay Basilio sa kanyang ina?
Elias
Sino ang ina ni Basilio?
Sisa
Bakit walang may gustong umalila kay Basilio noon?
Dahil sa kanyang madungis na ayos
Ano ang makaulit na balak ni Basilio?
Magpasagasa sa mga kabayong mabibilis ang takbo
Sino ang tumanggap kay Basilio bilang utusang walang bayad ngunit siya’y pag-aaralin?
Kapitan Tiago
Ano ang unang paaralang pinasukan ni Basilio?
San Juan de Letran
Saan naman ang ikalawang paaralang pinasukan ni Basilio?
Ateneo Municipal
Ano ang unang binili ni Basilio nang nakatanggap siya ng pera mula kay Kapitan Tiago?
Sumbrerong piyeltro at sapatos
Ano ang kursong pinili ni Basilio?
Medisina
Ano ang nais kuhanin ni Kapitan Tiago nang malaman niyang nais mag medisina si Basilio?
Lason sa manok
Bakit nais ni Kapitan Tiago na pagiging abugado ang kunin ni Basilio?
Para libre ang kaniyang abugado
Ano ang pamagat ng ikapitong kabanata?
Si Simoun
Ano ang narinig ni Basilio ng siya’y pauwi na sana at may nakitang liwanag na papalapit sa kanya?
Yabag ng mga paa
Ano ang kahoy na pinagtaguan ni Basilio?
Punong Balete
Ano ang unang binunot ni Simoun nang nagpakita si Basilio at umalok ng tulong sa paghuhukay?
Baril
Ano ang ideyang sumagi sa isip ni Simoun para hindi mabunyag ang kanyang lihim?
Pagpatay kay Basilio
Paano natiyak ni Basilio na buhay si Crisostommo Ibarra at siya nga si Simoun?
Dahil alam ni Basilio na hindi talaga namatay si Crisostomo Ibarra
Bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio?
Dahil nais niyang magkasama sila sa paghihimagsik.
Ano ang ginawa ni Simoun sa loob ng 13 taon?
Nagsikap at nagipon ng maraming salapi.
Bakit hindi sang-ayon si Simoun sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila?
Dahl baka ito ang ikamatay ng wikang katutubo.