KABANATA 3 Flashcards
Larawan ng kasaysayan ng bayan, ng pagtulak ng panahon tungo sa pag-unlad ng daigdig at ng lahat, matatayog man; karaniwan o kababaan ng nararating ng kaisipan at naisasaloob sa dibdib ng tao
ARROGANTE
Ipininakilala nila ang kanilang libro na Panitikan para sa Kolehiyo at Pamantasan ang tula sa ganitong paraan
SAUCO, CONSOLACION P.ET.AL
“Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, ng kadakilaan; tatlong bagay na kailangan magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
JULIAN CRUZ BALMACEDA
“Ang tula’y kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.” (sinipi sa Macaraig, 2004,p.141)
INIGO ED REGALADO
- Akdang may mga taludtod, lalo na ang may nalinang na anyong pampanitikan, natatangi sa masidhing gamit ng salita at ritmo upang ipahayag ang isang malikhaing pagtingin sa isang paksa;
- akda na bagaman malayang taludturan ay natatangi sa napakagandang wika at kaisipan.
UP DIKSYUNARYONG FILIPINO
Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig.
TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN
tungkol sa pag-ibig
AWIT (DALITSUYO)
matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
ODA (DALITPURI)
tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan
DALIT O HIMNO (DALITSAMBA)
binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
SONETO (DALITWARI)
mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
ELEHIYA (DALITLUMBAY)
Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitanng mga taludtod
TULANG PASALAYSAY
Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan
TULANG DULA
Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula
TULANG PATNIGAN
uri ng sinaunang panitikang larong patula na
kadalasang ginagawa sa lamayan
KARAGATAN
isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula ang duplo na ginagawa sa lamayan
DUPLO