KABANATA 2 MODYUL 1 Flashcards
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong pampanitikan na ating binabasa.
Teoryang Pampanitikan
17 MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
FEMINISMO, QUEER, PATRIYARLAL, BAYOGRAPIKAL, ROMANTISISMO, POST ISTRUKTURALISMO, HISTORIKAL, KULTURAL, EKSISTENSIYALISMO, MARXISMO, MORALISTIKO, REALISMO, FORMALISMO, HUMANISMO, KLASISMO, SOSYOLOHIKAL, SIKOLOHIKAL
Pinagtuunan ng pananaw ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na baguhin ang mga de-kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan.
Feminismo
Isang halimbawa ng feministang manunulat
Maria Milagros Geremia-Lachica
Karamihan sa mga paksa ng kaniyang akda ay tungkol sa pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan, paglaganap ng Feminismo, maling pagtrato sa mga kababaihan, pagkukulang sa karapatan ng babae, diskriminasyon, “stereotypes” ng mga kababaihan.
Katulad ng tula niyang “When Eyes Meet Eyes”.
Maria Mula Geremia-Lachica
Ayon sa kanya “walang esensyal na kalikasan na tutukoy sa kababaihan. Ibig sabihin, “ang babae ay hindi ipinanganak na babae, siya ay nagiging babae.”
de Beauvoir
-Sa Ngalan ng Ina, ng Anak, ng Diwata’t Paraluman
Lilia Quindoza Santiago
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosekswal.
Queer
Binubuksan ang isipan ng mambabasa na isulong ang pagkakapantay-pantay ng karapatan.
Queer
Halimbawa ng Queer
Sirena - Gloc 9, Pare Mahal mo Raw ako, Sa labas ng parlor
Isang lipunan kung saan mas kinikilala ang kakayahan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
Patriyarkal
Ito ay may sistema na kung saan ang mga lalaki ay nagtataglay ng pangunahing kapangyarihan at namamayani sa mga tungkulin ng pamumuno pampulitika, moral na awtoridad, pribilehiyo ng lipunan at pagkontrol ng ari-arian.
Patriyarkal
Ito ay mga katangiang ipinataw sa mga grupo ng mga tao dahil sa kanilang lahi, nasyonalidad, at oryentasyong sekswal.
Stereotype
Ito ay tumutukoy sa buhay ng may akda.
Mahalagang matuklasan at maunawaan ang katauhan at personalidad ng sumulat at maibahagi sa mga mambabasa ang kamalayan ukol sa manunulat para matugunan ang mga katanungang nauugnay sa sumulat at sinulat.
Bayograpikal
Halimbawa ng Bayograpikal
Reseta at Letra:Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat ni Dr. Luis Gatmaitan
Kasalungat nito ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni.
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Romantisismo
tawag sa pamamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo.
Romantiko
natatanging instrumento ng mga romantiko para matuklasan ang nakakubling katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan.
Inspirasyon + Imahinasyon
HALIMBAWA NG ROMANTISISMO
PAG-IBIG
ni Jose Corazon de Jesus
Ito ay batay sa teoryang istrukturalismo na ipinalaganap ni Ferdinand de Saussure kung saan itinanghal niya na ang bisa ng pangangahulugan sa wika ay bunga ng kumbensyong dulot ng tumbasan ng pagkakaiba.
Post Istrukturalismo
ay isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto na ipinakilala ni Jacques Derrida ng France noong dekada ‘60.
Dekonstruksyon
Nagpakilala ng dekonstruksyon
Jacques Derrida
Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang isang teksto dahil ang wika ay di-matatag at nagbabago. Dahil dito ang kahulugan ng isang akda ay wala sa akda kundi nasa isipan ng mambabasa.
Dekonstruksyon
“The Death of the Author”
Roland Barthes