KABANATA 2 Flashcards
Isa itong gawaing araw-araw na kinahaharap ng bawat isa sa atin.
Komunikasyon
Ayon kay ___ walang silbi o kahulugan ang buhay kung wala ang kapwa
W. Carl Jackson
Ang salitang komunikasyon ay galing sa salitang ___ na nangangahulugang common o karaniwan.
Communis
Ayon kay ___ (1958) ang komunikasyon ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag usap, pakikinig at pag-unawa
Louis allen
Ayon kay ___ (1967) ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa
Keith davis
(1977) Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng komunikasyon, ideya, opinyon o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso
Newman at summer
Sinabi ni ___ (1987) ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang
Birvenu
Binigyan kahulugan ni __(2011) ang komunikasyon bilang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito
Keyton
Kwento na kapwa napagkaitan ng pakikipag komunikasyon sa tao. Tungkol sa 12 taong gulang na babae na ginugol ang buhay sa isang walang laman at madilim na silid, walang pakikipag komunikasyon sa tao
Genie
Kwento na hindi kinakakitaan ng ano mang kilos pantao bunga ng kanyang pamumuhay sa kagubatan
Wild boy of aveyron
Dahilan kung bakit nakikipag komunikasyon ang isang tao (3)
Pangangailangan upang makilala ang sarili
Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo
Pangangailangang praktikal
Tumutukoy sa taong nagpapadala ng impormasyon sa ibang tao
Sender
Impormasyong ipinapadala ng sender, maaring berbal (pasalita at pasulat) at di berbal na mensahe (kilos, tono ng pagsasalita, simbolo, senyas)
Mensahe
Tumutukoy sa tsanel upang maiparating ang mensahe sa tagapagtanggap (telepono, sulat gamit ang koreo, e-mail o social media application)
Daluyan
Tumutukoy sa isang indibidwal/grupo na tumatanggap ng mensahe
Receiver
Ibat ibang elemento ng komunikasyon na maaring sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon
Sagabal
Uri ng sagabal na may kinalaman sa kondisyon ng pangangatawab o pisyolohiya ng isang indibidwal
(Masakit ang ulo, nilalagnat)
Pisyolohikal
Sagabal na bunsod ng ingay sa paligid gaya ng tunog ng sasakyan, sigawan at iba pa
Pisikal na sagabal
Nakaugat sa wika (magkaibang kahulugan ng isang salita, maling pagbabantas, hindi akmang gamit ng salita, maling ispeling nito
Semantikong sagabal
Nakaugat sa problemang teknolohikal (walang signal, network ng telepono)
Teknolohikal na sagabal
Nakaugat sa magkaibang kultura, tradisyon, paniniwala at rehiyon
Kultural na sagabal
Sagabal na nakaugat sa pag-iisip ng mga partisipant ng proseso (biases, prejudices)
Sikolohikal na sagabal
Elemento ng komunikasyon na tumutukoy sa pidbak ng tagapagtanggap ng mensahe batay sa pagpapakahulugan ng komunikasyon gaya ng pagtango, at pag iling
Tugon
Kung paano naapektuhan ang tagapagtanggap ng mensahe (emosyonal at sikolohikal) ng mensaheng ipinadala ng sender
Epekto
Tumutukoy sa lugar, kasaysayan at sitwasyon na kinapapalooban ng komunikasyon. Sakop din ang sikolohikal na kalagayan ng mga kalahok
Konteksto
Tumutukoy sa isang masalimuot na kabuuang binubuo ng karunungan mga paniniwala, sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang isang miyembro ng lipunan
Kultura
Isang batakang antropologo na nagbigay ng dalawang kategorya batay sa pamamaraan ng pagpapadala ng mensahe (Low-context culture at high context culture)
Edward hall
Ginagamit ahg wika ng direkta upang ipahayag ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura
Low context culture
Ang mga salita ay hindi lamang nakabatay sa salitang ginamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng mga di berbal na palatandaan, pamantayan, kasaysayan ng relasyon/ugnayan (pagpaparinig, pagiging maligoy, pahaging o paandaran)
High context
Amerika, Canada, israel at mga bansa sa kanlurang europa ay may kulturang ___
Low context
Ang mga bansang asyano, hapon, pilipinas, mga bansa sa gitnang silangan ay may ___ na kultura
High context
Kinaiinisang ang estilong komunikasyon ng mga bansang ___ ang kultura bunga ng pagiging madaldal, paulit-ulit at pagiging insensitibo
Low context
Itinuturing na hindi totoo/matapat dahil sa katangian ng pagiging maligoy (Hal. Hindi direktang pagtanggi sa kausap)
High context
INDIBIDWALISTIKONG KULTURA
• Itinuturing ang sarilu bilang hiwalay na entidad sa kanyang lipunan. Independent/malaya. Self-sufficient
• mas nangingibabaw ang pangangalaga at pagpapahalaga sa sarili bago ang kapamilya
• Ang pakikipag kaibigan ay nakabatay sa shared at common interest
• Ang pagpaparangal ay nakabatay sa indibidwal na natamo. Mas hinihikayat ang indibidwal na desisyon
• May mataas na pagpapahalaga sa awtonomiya, pagbabago, inidibidwal na seguridad at pagkakapantay-pantay
KOLEKTIBONG KULTURA
• Ang oryenstasyon ay binubuhay ng konsepto ng pagiging tayo. Mahalagang mapabilang ang tao sa ganitong kultura sa mga grupo. Ekstended ang pamilya
• Mas inuuna ang kapakanan ng mga myembro ng pamilya bago ang sariling pagpapahalaga
• Nabibilang sa kakaunting grupo subalit permanente ang pagiging bahagi nito
• Ang desisyon ay nakabatay sa kolektibong pamamaraan. Ang parangal ay nakabatay sa kontribusyon sa grupo.
• May mataas na pagpapahalaga sa tungkulin sa grupo, utos, tradisyon, edad, seguridad ng grupo, istatus, herarkiya
Ayon kay ____(2018) itinuturing na mahusay ang isang indibidwal na malakas, self reliant, mapagiit at independet sa isang lipunang indibidwalistiko
Kendra cherry
Ayon sa Southern University (2017) ___Tumutukoy sa pagiging malay ng isang taong ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng bawat lipunan ay buhay na buhay nang walang pag-uuri kung alin ang tama at mali
Cultural sensitivity
- ang klase ay magsisimula ng 8:00 am, huwag kalimutang dalhin ang libro
- kita tayo sa dati nating lugar mamaya
- mag ingat ka sa mga lugar na nabanggit ko
- bawal pumasok ng walang id
- pakilagay ang mga file sa folder na tinukoy sa email
low
high
high
low
low
1, ilagay ang pangalan sa upper right corner ng papel
2. ang exam ay multiple choice at tatlong oras ang itatagal
3. siguraduhin molang na walang problema sa pondo
4. maghanda ka para sa big event, alam mona ang gagawin
5. ipagpatuloy mo ang inumpisahan mo kahapon
low
low
high
high
high