Ikalawang Yugto Flashcards
Industriyalisasyon
Nangangailangan noon ang mga tao ng mga hilaw na
materyales sapagkat nag-liral noon ang matinding
kapitalismo.
Pamumuhunan
Itinuturing ng mga Kanluranin ang mga bansang Asyano bilang mapagkukunan ng kita o tubo
mas lumaki ang kita ng mga
Kanluranin sapagkat naglagay sila ng kapital sa mga
patanim at minahan sa Asya.
White Man’s Burden
Naniniwala ang mga Kanluranin na nakakahigit sila sa mga Asyano kung kaya iniisip nila na mayroon silang tungkuling tulungan ang mga Asyano. Ito ang nagbigay daan sa mga pananakop at pagpapairal ng imperyalismo sa Asya.
Imperyalismo sa India
Sinimulang subaybayan ng England ang India
sa pamamagitan ng English East India
Company. Mula dito, pinili na ng England ang
magiging gobernador-heneral nila.
Rebelyong Sepoy
Tinawag din itong Rebelyon ng 1857. Nag-alsa ang
hukbong Hindu at Muslim sa England dahil pinahiran
ang kanilang mga baril ng ipinagbabawal na langis ng
hayop. Ito rin ang naging dahilan ng pagbagsak ng
English East India Company.
Imperyalismo sa Burma
Noong ika-19 na siglo, ginustong palakasin ng
England ang relasyon nila sa Burma dahil sila
ang tagapagtanggol ng silangang bahagi ng
India.
Digmaang Anglo-Burmese
Mula 1824 hanggang 1826, nilusob ng Burma ang mga
estadong Assam, Arakan, at Manipur ngunit natalo ang
Burma dahil sa malaking pinsala sa pwersa nito sa
Arakan at Tenasserim. Dahil dito, nilagda ng Burma
noong 1826 ang Kasunduan ng Yandabo kung saan
ililipat ang English East Indian Company sa Arakan at
Tenasserim.
Imperyalismo sa Singapore
Sa dahilang sakop ng mga Dutch ang ang Indonesia, hindi pinayagan ang England na makipagkalakalan sa Singapore. Ang England ay maaari lamang makipagkalakalan sa Batavia sa Indonesia. Kaya, pinatatag ni Thomas Stamford Raffles ang isang daungan sa dulo ng tangway ng Malaya na ngayon ay ang Singapore.
Straits Settlements
Sa Strait of Malacca matatagpuan ang mga
daungan ng England (Penang, Singapore,
Malacca) kung saan ang mga ito ang naging
sentro ng produksiyon at distribusyon ng produkto ng England at India, tulad ng opyo at tela.
Resident System
Sa sistemang ito, mayroong mga sultan at mga Resident. Ang mga sultan ay pananatilihin ang mga British Resident habang ang mga Resident naman ay ipagtatanggol ang sultan.
Federated Malay States
Binubuo ng Perak, Selangor, Pahang, Negri
Sembilan. Pumayag ang mga ito sa
Resident System at ang Resident-General
ang namumuno sa kanila.
Unfederated Malay States
Binubuo ng Kedah, Perlis, Kelantan, at
Trengganu. Ang mga ito ay tumutol sa
Resident System.
Imperyalismo sa Tsina
Noong ika-19 siglo, naging mahigpit ang pamahalaang Manchu ng Tsina sa mga mangangalakal na Kanluranin. Kung kaya, iniluwas ang England ng opyo sa Tsina para mapantayan nila ang kanilang inaangkat na porselana.
Unang Digmaang Opyo
Nagtagal ito ng 3 taon, 1839 hanggang 1842.
Ang naging sanhi nito ay sinira ng mga opisyal
ng Tsina sa opyo ng England. Natalo dito ang
Tsina at pinirmahan ng dalawang bansa ang
Kasunduang Nanking.
Ikalawang Digmaang Opyo
Nagtagal ito mula 1856 hanggang 1860. Lumaban
ang England at France sa Tsina dahil sinira nila
ang isang barkong may dalang opyo at sa
pagtrato nila sa mga misyoneryong French. Sa
dulo, pinalayas nila ang emperador at sinunog
ang kanyang palasyo.