idyomas p 4 Flashcards
dibdibin
seryosohin
di kabagang
hindi makasundo
dilat ang mga mata
buo ang pagkaunawa sa sitwasyon
di maliparang uwak
napakalawak na lupain
dugo ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman
anak
durugin ang puso
pasakitan
gabay sa pagtanda
mga anak
gagapang na parang ahas
sobrang mahirap maghihikahos
galit sa pera
gastador
ginituang puso
matulungin, mabait, maawain
ginituang tinig
maganda ang boses
gintong asal
mabuti at marangal ang ugali
guhit ng palad
buhay na inakda, kapalaran
habang tumatanda
lumalaon
habol ang karayom
punit ang damit
hagisan ng tuwalya
umamin na ng pagkatalo
haharap sa altar o dambana
mag aasawa, ikakasal
haharap sa makapangyarihan
sususko sa pulis
halang ang bituka
walang kasinsama, kirminal, walang sinasanto, mamatay tao
haligi ng tahanan
asawang lalakit o tatay
hampas lupa
taong grasa, pulubi
hampas ng langit
parusa ng diyos
hanggang sa labi ng langit
hanggang kamatayan
hari/reyna ng daldal
tsimoso, tsimosa
hawak sa leeg
sunud-sunuran
hawak sa tainga
sobrang masunurin