Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Flashcards
Ito ay tumutukoy sa organisado at sistematikong pamamaraan ng isang bansa upang maging wasto ang pamamahala at pamamahagi sa mga limitadong pinagkukunang yaman.
Sistemang Pang-ekonomiya
Ano ang mga institusyong bumubuo sa sistemang pang-ekonomiya?
Pamahalaan at Pamilihan
Ito ang siyang nagtatakda ng produkto o serbisyong lilikhain, paraan ng paglikha, at mga makikinabang sa mga produkto at serbisyong nabanggit.
Pamahalaan at Pamilihan
Ano ang apat na uri ng sistemang pang-ekonomiya?
(1) Tradisyonal na Ekonomiya (Traditional Economy)
(2) Sentralisadong Ekonomiya (Command Economy)
(3) Ekonomiya ng Malayang Lipunan (Market Economy)
(4) Magkahalong Ekonomiya (Mixed Economy)
Ito ay ang pinakapayak at pinakalumang sistemang pang-ekonomiya na ginagamit ng maliliit na pamayanan.
Tradisyonal na Ekonomiya (Traditional Economy)
TAMA O MALI
Karaniwan sa bansang mga gumagamit sa Traditional Economy ay ang mga papaunlad pa lamang na mga bansa (developing countries).
TAMA
TAMA O MALI
Ang Market Economy ay nakasalalay sa lupa o pagsasaka.
MALI
Tradisyonal na Ekonomiya (Traditional Economy)
Ito ay pinangangasiwaan ng isang sentralisadong kapangyarihan ng pamahalaan ang lahat ng gawaing pang-ekonomiya.
Sentralisadong Ekonomiya (Command Economy)
Ano ang ibang tawag sa Command Economy?
Planadong Ekonomiya
TAMA O MALi
Sa Command Economy, ang pamahalaan ang nagtatakda mula mula sa pagpaplano ng mga produkto o serbisyong lilikhain hanggang sa pamamahagi sa mga nasasakupan nito.
TAMA
Ito ay tumutukoy sa walang anumang panghihimasok na ginagawa ang pamahalaan sa mga gawaing pang-ekonomiya ng lipunan.
Market Economy
Ano ang konseptong pinaniniwalaan na dapat hayaan ang interaksiyon ng mamimili at ng nagbebenta na siyang magtakda sa mga aktibidad ng pamilihan.
Laissez-faire ni Adam Smith
TAMA O MALI
Ang Market Economy ay isang teoretikal na konsepto, ibig sabihin, walang kahit anong ekonomiya sa mundo ang may ganitong uri ng sistema.
TAMA
Ang salitang “pamilihan” o “market” ay nagmula sa salitang Latin na _______ na nangangahulugang “_________”, “________”, o “_________”
(1) Mercatus
(2) Pagpapalitan
(3) Pagbili
(4) Pagbenta
Ito ay ang pinaghalong command at market economy, at kinikilala nito ang kahalagahan ng interbensiyon ng pamahalaan sa ekonomiya.
Magkahalong Ekonomiya (Mixed Economy)