HULWARAN AT ORGANISASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI Flashcards

1
Q

Sa pagbibigay kahulugan may tatlong paraan na maaaring gamitin ang isang manunulat, (1)
paggamit ng mga salitang katulad ang kahulugan o kaisipan, (2) ito ay intensib na
pagbibigay ng kahulugan na ginagamit ang tatlong bahaging tinalakay sa naunang
talata at (3) ekstensib na depinisyon na pinalawak ang kahulugang ibinigay o tinalakay
sa intensib na pagbibigay ng kahulugan

A

Depinisyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ito ay nauuri sa dalawa, ang (1) simple na nagtatalakay sa pangunahing paksa at
pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita (2) komplikado na kung saan
nagtatalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan
na naglilinaw sa paksa

A

Pag-iisa-isa o Enumerasyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ang hulwarang ito ay ang paglalahad ng mga kaisipan o ideya na pagkakasunod-sunod na
siyang nagpapalinaw sa bumabasa at may dalawang batayang uri ito (1)
sikwensyal-kronolohikal at (2) prosidyural.

A

Pagsusunod-sunod

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ito ay isang tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang
tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari

A

Paghahambing at Pagkokontrast

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus sa
hulwarang ito. Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon

A

Problema at Solusyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ito naman ay tumatalakay sa mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang mga
epekto nito

A

Sanhi at Bunga

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly