Heograpiya Flashcards
Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig
Hoegrapiya
Nagsimula ang Heograpiya sa mga salitang
Griyego
Geo-“daigdig”
Graphia-“paglalarawan”
Ito ay ang agham na naglalarawan sa mga pisikal, bayolohikal, ekonomikal at pulitikal na katangian ng daigdig.
Heograpiya
Mga tao na nag-aaral ng Heograpiya
Heograpo
Ito ay tumutukoy sa kultura ng tao at ang epekto nito sa mundo
Human Geography
Nag-aaral ng mga likas na katangian ng mundo
Physical Geography
Limang Tema ng Heograpiya
- Lokasyon
- Lugar
- Interaksiyon ng tao at kapaligiran
- Pagkilos
- Rehiyon
Ang nagtatakda kung saan matatagpuan ang isang lugar.
Lokasyon
Inilalarawan nito ang mga Katangiang Pisikal at Pantao ng isang Lokasyon.
Lugar
Ito ay naglalarawan at nagsusuri kung paano nakikibagay ang tao sa kanyang kapaligiran at kung paano ang ganitong pakikibagay ay humahantong sa pagbabago ng kapaligiran.
Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
Ang nagbibigay-paliwanag kung paano ang tao, mga ideya, at mga hayop ay nakalipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.
Ito rin ang nagsusuri ng iba’t ibang salik na nakaimpluwensiya sa ganitong pagkilos.
Pagkikilos
Ang konsepto nito ay batay sa pagpapangkat-pangkat ng mga lugar batay sa pagkakatulad ng kanilang katangian.
Hinati- hati nito ang daigdig sa mas maliit na yunit para maging mas madali ang pag-aaral ng Heograpiya.
Rehiyon