Grade 10: Quarter 4 Flashcards
Alin sa sumusunod ang tunay na sanhi ng paghihimagsik ni Simoun?
A. Maipaghiganti ang amang si Don Rafael.
B. Magbago ang takbo ng pamumuhay ng Pilipinas.
C. Mabawi si Maria Clara.
D. Naaawa siya sa mga Pilipino.
C. Mabawi si Maria Clara.
Sa itaas ng kubyerta ay naroroon ang mga Europeo, mga prayle at matataas na tao at sa ilalim ng kubyerta ay makikita ang mga Pilipino, mga kalakal at ang mainit na makina. Ang dalawang pangkat ng mga manlalakbay ay sumisimbolo sa ___________.
A. pagkakaiba ng mga Pilipino at Espanyol.
B. kahirapan ng buhay ng mamamayan
C. pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Espanyol
D. pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino
A. pagkakaiba ng mga Pilipino at Espanyol.
“Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring Espanyol, ayon sa iba, Tsino, ang iba naman, Indiyo.” Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Hindi mabuti ang kumuha ng pag-aari ng iba.
B. Lahat ay maaaring mapaghinalaang magnanakaw.
C. Hindi alam kung kalian darating ang magnanakaw.
D. Sila lang ang magnanakaw, ang ibang lahi ay hindi.
B. Lahat ay maaaring mapaghinalaang magnanakaw.
Ano ang ibig na inilantad na katotohanan ni Rizal hinggil sa hindi na dapat ang pag-aantada kapag marumi na ang agua bendita?
A. Maaring may gumamit na sa agua bendita na may nakahahawang sakit at ito ay
makahawa pa.
B. Walang bisa ang agua bendita kapag marumi pa.
C. Hindi na pantay ang biyayang matatanggap kapag marumi na ang agua bendita.
D. Parang kinikitil na ang buhay sa ganitong paniniwala
A. Maaring may gumamit na sa agua bendita na may nakahahawang sakit at ito ay
makahawa pa.
Ano ang nais patunayan kung bakit hindi magagandang makapagsimula ang palabas sa kabila ng puno nang tao sa teatro?
A. Maiingay pa ang mga tao at hinihintay lamang na tumahimik ang lahat.
B. Makapangyarihan ang Kapitan-Heneral at kailangang hintayin siya bago magsimula.
C. Hinihintay ang takdang oras ng pagsisimula.
D. Wala pa silang gana para magsimula
B. Makapangyarihan ang Kapitan-Heneral at kailangang hintayin siya bago magsimula.
Ang kumpol ng rosas ang siyang pananda sa lalaking ikinasal at sa babae ay _____________.
A. suha at rosas
B. suha at asucena
C. asucena at rosas
D. rosas at ilang-ilang
B. suha at asucena
“Ang likas na yaman ng isip ng tao at puso ay walang katumbas sa wikang banyaga.” Sino ang nagpahayag nito?
A. Ben Zayb
B. Basilio
C. Simoun
D. Paulita
C. Simoun
“Bawat bansa ay may sariling wika. Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay niya ang kalayaan. Ang wika ay pag-iisip ng bayan.” Sino ang nagpahayag nito?
A. Simoun
B. Basilio
C. Pauliita
D. Padre Camorra
B. Basilio
Gumiit sa alaala ni Basilio ang bilin ni Simoun na lumayo sa ________.
A. Kalye Iris
B. Kalye Anloage
C. Kalye Escolta
D. Kalye Don Quixot
B. Kalye Anloage
“Makakasama sa Pilipinas ang pagpapaaral sa mga kabataan.” Sino ang nagpahayag nito?
A. Ben Zayb
B. Simoun
C. Basilio
D. Padre Sibyla
A. Ben Zayb
Nakadama si Basilio ng _________ para kay Isagani.
A. lungkot
B. tagumpay
C. habag
D. Awa
C. habag
Nakita niya si Simoun na dumarating sakay ang karwahe, dala ang lampara, at kasama ang ___.
A. kutsero
B. guardia civil
C. panauhin
D. Mag-aalahas
A. kutsero
“Ang kabaitan ay di tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao.
B. Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante.
C. Likas sa tao ang kabaitan.
D. Ang ugali ay yaman ng tao na maaaring ipamana sa iba.
A. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao.
“Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Mahilig manakot ang pamahalaan.
B. Makapangyarihan ang pamahalaan.
C. Nagbulag-bulagan ang pamahalaan.
D. Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan.
B. Makapangyarihan ang pamahalaan.
Ano ang ipinahiwatig ng pagbibigay ng hindi magandang komento sa palabas?
A. Hindi sila nasisiyahan sa pagtatanghal.
B. Gumagawa na ang taong sariling palabas
C. Dahil sa isang lalaking basta na lamang naupo sa hindi niya luklukan.
D. Ayaw umalis ng nang-agaw ng upuan.
A. Hindi sila nasisiyahan sa pagtatanghal.
Bakit masamang-masama ang loob ni Isagani nang makita si Paulita sa loob ng teatro?
A. Dahil kasama niya si Juanito.
B. May usapan sila na siya muna ang manonood.
C. Ayaw ni Isagani na manood si Paulita.
D. Hindi siya pinayagan na pumunta sa teatro.
A. Dahil kasama niya si Juanito.