Gender Spectrum Flashcards
Ang tingin ng tao sa sarili bilang lalaki, babae, parehong babae at lalaki, o wala sa mga ito. Sariling pananaw ito ng tao at maaaring pareho o magkaiba sa kasarian nang siya ay ipanganak.
Gender Identity
Paraan ng pagpapahayag ng gender identity sa iba sa pamamagitan ng kilos, pananamit, gupit ng buhok, boses, at iba pa.
Gender Expression
Ang papel na ginagampanan, mga inaasahan, at kilos na inaasahan ng lipunan sa babae at lalaki.
Gender Role
Tumutukoy sa isang taong ang gender identity ay hindi katugma ng kasarian nang siya ay ipanganak.
Transgender
Tumutukoy sa atraksiyong romantiko o seksuwal sa isang taong may tiyak na kasarian.
Sexual Orientation
Ang mga taong tugma ang kasarian nang panganak, at tugma sa gender identity at gender expression.
Gender Normative/Cisgender
Mas malawak at mas pabago-bagong gender expression. Ang interes at kilos ay pabago-bago araw-araw.
Gender Fluidity
Taong walang seksuwal na atraksiyon sa iba at walang hilig sa sex.
Asexual
Taong may parehong atraksiyon sa babae at lalaki.
Bi-gendered
Tumutukoy sa taong itinatago ang kanyang sexual orientation.
Closeted/In the Closet
Ang paraan kung saan kinikilala, tinatanggap, at ipinagmamalaki ng mga lesbian, gay, at bisexual ang kanilang gender identity.
Coming out
Isang taong ang atraksiyong emosyonal, romantiko, at seksuwal ay para sa may kaparehong kasarian.
Gay
Akronim para sa Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender. Maaaring may karagdagang Q (Queer), I (Intersex), at A (Allied).
LGBT
Tumutukoy sa taong ipinanganak na may pisikal na tanda ng kasarian na hindi tiyak kung lalaki o babae.
Intersex
Tumutukoy sa isang babaeng may atraksiyong emosyonal, romantiko, at seksuwal para sa kapwa babae.
Lesbian