Gamit ng Wika Flashcards
Sino ang bumuo ng teorya ng Panlipunang Gamit ng Wika?
M.A.K. Halliday /
Michael Alexander Kirkwood Halliday
Ilan ang gamit ng wika?
7
Ito ay tumutukoy sa eksplorasyon ng imahinasyon upang tumugon sa malikhaing gampanin nito
Hal. Pagbuo ng lyrics
IMAHINATIBO
Tumutukoy ito sa paglalahad ng impormasyon, datos at nakalap na ideya na nirerepresenta sa iba’t ibang paraan
Hal. Pagbibigay-ulat, Research, Reporting
REPRESENTATIBO
Nakatuon sa personal nagamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling identidad o pagpapakilalang personalidad na hindi sumasaklaw sa layuning magpahayag ng pangangailangan
Tungkuling maipahayag ang mga sariling damdamin/opinyon/emosyon
Hal. Pagsulat sa diary or Journal
PERSONAL
Nagagamit ang wika sa paglilinaw at pagtitiyak ng mga pangangailangan, naiisip o nararamdaman
Hal. Application letter
INSTRUMENTAL
Nagagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, mag kontrol, at humiling sa kausap o sinuman sa kanyang paligid
Hal. Do’s and dont’s sa pagsusulit
Regulatori
Gamit ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos
Ang wika ay nagsisilbing tagakuha ng impormasyon imbes na tagapagbahagi
Hal. Pakikipagpanayam or Interview
HEURISTIKO
Ang wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuong interaksiyon at palakasin ang layunin makipagkapwa
Hal. Pakikipagbiruan, Pakikipagpalitan ng kuro-kuro
INTERAKSIYONAL
Bakit mahalaga ang gamit ng wika?
May gamit ang wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang sistema