Gabay sa Pampagkatuto 1: BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN Flashcards
isa sa mga makrong kasanayan na gumagamit ng mga simbolo (mga titik, bantas at espasyo)
pagsulat
ang karaniwang tawag sa mga gumagawa nito na maaaring gumamit ng panulat/lapis (sulat-kamay) o keyboard (pag-type)
Manunulat
Ayon kay _____ ang mabisang kakayahan sa pagsulat ay sadyang mailap sa nakararami, kahit pa ang isang sulatin ay isinulat sa una o ikalawang wika - ngunit napag-aaralan.
Badayos (2000)
layunin ng pagsusulat
(1) makalikha at makagawa ng maayos at makabuluhang sulatin,
(2) makapagbahagi ng kaalaman, at
(3) makakumbinsi ng ibang tao sa katotohanan o ibinibigay na opinyon.
kapag ito ay natamo, tiyak na isang biyaya na tanging ipinagkaloob dahil ito ay isang pangangailangan na nakapagtatamo ng kaligayahan sa sinumang nakapagsasagawa nito
(ayon kay Keller (1985), sa Bernales et al. (2006))
Karagdagan, ang pagsulat ay hindi
natural na proseso
Kasanayan sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
(1) tamang paggamit ng malaki at maliit na titik (capitalization)
(2) tamang baybay,
(3) tamang paggamit ng batas sa pagbuo ng talata,
(4) masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang epektibong sulatin.
mainam na ang manunulat ay may
Kasanayan sa Pampag-iisip
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin.
Ito ang ugnayan ng ideya, imahinasyon, nararamdaman, saloobin,
Kasama din dito ang kakayahang mag-analisa ng datos o impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kasanayan sa Pampag-iisip
Ito ang kombinasyon ng lahat ng kasanayan sa pagsulat na ipinakikita ang kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon (mula panimula hanggang wakas) na maayos, organisado, obhetibo, at sa masining na pamamaraan.
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
Dapat ding tandaan na ang pagsulat ay
hindi lamang gawaing mental
isa ding gawaing pisikal
uri ng pagsulat
Pormal na Pagsulat
Di-pormal na pagsulat
Teknikal
Propesyonal
Reperensyal
Dyornalistik
Malikhain
Ito ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay impormasyon, paglalahad ng isyu na may basehan, at pananaliksik na ang tono ng pagsulat ay pormal o seryoso kaya piling-pili ang salitang ginagamit dito.
Pormal na Pagsulat
Ito ang karaniwang ginagamit sa mga kwento at mga sanaysay na karaniwan at personal ang paksa kaya parang nakikipag-usap lamang ang manunulat nito.
Di-Pormal na Pagsulat
Ito ay isang uri ng sulatin na may partikular na paksa na nangangailangan ng direksyon, pagtuturo, o pagpapaliwanag.
ginagamitan ng teknikal na terminolohiya at nakatuon sa espisipikong audience o pangkat ng mga mambabasa.
Teknikal
halimbawa ng teknikal
Feasibility Study,
User’s manual,
Project Proposal
mga Korespondensyang Pampangangalakal.
ginagamitan ng teknikal na terminolohiya dahil sa ang sulating ito ay ginagawa lamang ng mga nasa tiyak na propesyon o larangan, at ang mga propesyonal lamang ang maaaring sumulat at magsagawa nito.
Propesyonal
Halimbawa ng propesyonal
Medical Report ng mga nars at doktor,
Police report ng mga police, at
Legal Forms ng mga abogado.
Ito ang uri ng sulatin na nakatuon sa pagbibigay impormasyon at pagsusuri sa paksa.
tinutukoy ng manunulat ang pinaghanguan ng iba’t ibang sors o reperens gamit ang pagtatalang parentetikal, talababa, endnotes at marami pang iba
Reperensyal
Halimbawa Reperensyal
Pamanahong Papel,
Disertasyon at
Interbyu.
mag-ulat ng mga importante at detalyadong impormasyon tungkol sa mga iba’t ibang pangyayari sa loob at labas ng isang bansa
Dyornalistik.
Halimbawa ng Dyornalistik.
Balita,
Editoryal, at
Kolum o Lathalain sa magasin.
Ito ang mga sulating nasa larangan ng literatura na uri ng panitikan at lumalabas sa mga hangganan ng propesyonal, jornalistik (pamamahayag), o teknikal na pagsulat/sulatin.
Malikhain
ay ang anumang isinulat ng isang may akda na maaaring isang mensahe, direksyon o resipe.
teksto