FPL Reviewer Flashcards
Ang layon ng humanidades ay hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao
J. Irwin Miller
Ang edukasyon ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan at di lamang magkaroon ng karera sa hinaharap
newton Lee
Disiplina sa akademiko na nag-aaral ng mga aspekto ng lipunan ng tano at sa kultura nito
Humanidades
Ano ang tatlong disiplina sa larangan ng humanidades?
Panitikan, Pilosopiya, sining
Anong disiplina ng humanidades nabibilang ang Wika teatro?
Panitikan
Anong disiplina ng humanidades nabibilang ang Relihiyon?
Pilosopiya
Anong disiplina ng humanidades nabibilang ang pelikula, Teatro, at Sayaw?
Sining
Ang pundamental na konsepto ng Agham Panlipunan at Kapangyarihan na pareho sa esensya ng Enerhiya na pundamental na konsepto ng Pisika.-?
Bertrand Russel
Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay natin ay lubhang mapapaunld ng mas malalim sa pag unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at kilos.-?
Nicholas A. Christakis
Ito ang Larangang pang akademiko na pumapaksa sa tao kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ng mg IMPLIKISAYON AT BUNGA NG MGA PAGKILOS NIYO BILANG MIYEMBRO NG LIPUNAN.
AGHAM PANLIPUNAN
Ito ang pag-aaral sa kilos, gawi at pag-iisip ng isang tao. Gumagamit din ito ng Empirikal na obserbasyon
Sikolohiya
Ito naman ang pag-aaral ng mga gawain at material na pangangailangan ng tao, tinatalakay dito ang produksyon at distribusyon.
Ekonomiya
Ito ang pag-aaral ng mga kilos at gawi ng mga tao sa loob ng lipunan, ang mga pinagmulan, pag-ulan at pagkabuo ng mga Samahan at institusyong panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman tungkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan.
Sosyolohiya
Ito ang pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura, at baryasyon nito.
linggwistika
Ito naman ang pag-aaral ng mga tao sa iba’t-ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit dito ang participant observation o ekspiryensyal na imersyon sa pananaliksik.
Antropolohiya