FPL Flashcards
Paraan ng pagpapahayag ng
ideya sa paraang pasalita.
PAGTATALUMPATI
Ito ay ibinibigay nang biglaan o
walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng
pagsasalita. (MGA URI NG TALUMPATI)
BIGLAANG TALUMPATI
Isinasagawa nang biglaan
o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minute para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
MALUWAG NA TALUMPATI
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon ng seminar o programa sa pagsasaliksik kaya
pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
MANUSKRITO
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harpa ng mga
tagapakinig.
ISINAULONG TALUMPATI
Talumpati itong nagmamatuwid na angkop sa sermon sa simbahan, sa pangangampanya sa panahon ng halalan, o sa talumpati ng abogado sa harap ng hukuman.
TALUMPATING PANGHIKAYAT
Ito ay pumupukaw ng damdamin at impresyon.
TALUMPATING PAMPASIGLA
Inihahanda upang kilalanin ang isang tao dahil sa kanyang angking galing.
TALUMPATING PARANGAL
Wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
KRONOLOHIKAL NA HUWARAN
Ang paghahanay ng mga materyales ay nakabatay sa pangunahing paksa.
TOPIKAL NA HUWARAN
Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang huwarang ito.
HUWARANG PROBLEMA-SOLUSYON
Ito ay naghahanda sa mga nakikinig
para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.
INTRODUKSIYON
Pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang puntong nais ibahagi sa mga tagapakinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.
DISKUSYON O KATAWAN
Tiyaking wasto ang nilalaman ng
talumpati. Kailangang totoo at maipaliwanag nang mabisa ang
lahat ng detalye.
KAWASTUHAN
Siguraduhing maliwanag ang pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig.
KALINAWAN
Gawing kawili-wili ang paglalahad ng
mga paliwanag para sa paksa.
KAAKIT – AKIT
Dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang binibigyan ng buod ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
KATAPUSAN O KONGKLUSYON
Minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang tiyak na oras.
HABA NG TALUMPATI
Ito ay isang akademikong sulatin na
naglalahad ng mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang
isyu.
POSISYONG PAPEL
DALAWA ANG MGA EBIDENSYANG
MAGAGAMIT SA PANGANGATWIRAN ayon kina ______ sinipi mula sa aklat nina __________.
Constantino at Zafra, (1997) na isinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016)
Ito ay nakabatay sa makakatotohanang ideya mula sa mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama.
MGA KATUNAYAN (FACTS)
Ito ay nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling pananaw.
MGA OPINYON
Ang posisyong papel ay kadalasang naglalaman ng mga paniniwala at paninindigan ng may-akda.
PUMILI NG PAKSA NA MALAPIT SA IYONG PUSO.
Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik ay naglalayong malaman kung may sapat na ebidensyang makakalap hinggil sa nasabing paksa.
MAGSAGAWA NG PANIMULANG PANANALIKSIK HINGGIL SA NAPILING PAKSA.
Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zfra (1997) sa kanilang aklat na Kasanayan sa Komunikasyon II,
ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin.
BUMUO NG THESIS STATEMENT O PAHAYAG NG TESIS.
Ito ay napakahalagang bahagi sa pagsulat ng posisyong papel.
SUBUKIN ANG KATIBAYAN O KALAKASAN NG IYONG PAHAYAG NG TESIS O POSISYON.
Kapag ganap nang napatunayan na ang napiling posisyon ay may matibay at malakas na laban sa pinasusubliang posisyon ay maari nang magsagawa nang mas malalim na pananaliksik.
MAGPATULOY SA PANGANGALAP NG MGA KAKAILANGANING EBIDENSYA.
Bago tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng posisyong papel ay gumawa muna ng balangkas para dito.
BUOING ANG BALANGKAS NG POSISYONG PAPEL.
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon.
PANIMULA
Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga argumentong tumutol sa iyong tesis.
KATAWAN
ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging implikasyon nito. Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu.
KONGKLUSYON
Isang detalyado at komprehensibong
pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, ideya.
PAGLALAHAD
Hango sa salitang Pranses na “essayer”
na ang ibig sabihin ay “sumubok o tangkilikin”.
SANAYSAY
g ika- 14 na dantaon, nakilala si _________ ng hapon na may katha ng TSUREGUREGUSA o mga sanaysay sa katamaran.
YUSHIDA KENKO
Ang sanaysay ay isang paglalahad
ng sariling opinion o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang
bagay o paksa.
PAQUITO BADAYOS
Ang sanaysay ay isang kasangkapan
upang isa tinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo
sa buhay.
FRANCIS BACON
Ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
ALEJANDRO ABADILLA
Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang para maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
Kung minsay tinatawag din itong impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
PORMAL
Tinatawag din itong pamilyar o personal at nagbibigay diin sa isang istilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. Karaniwan itong may himig na parang pakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa
buhay.
IMPORMAL
Tandaang ito dapat ay nakakatawag ng pansin o nakakapukaw sa damdamin ng mga mambabasa.
PANIMULA
Ito ang pinakalaman ng akda na
kinakailangang maging mayaman sa kaisipan. Kailangan ding magtataglay ng kaisahan ang mga ideya nito.
KATAWAN
Dito karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda. Maaaring ilahad sa bahaging ito ang buod o konklusyon ng sumulat.
WAKAS
Ayon kay ________, isang guro at manunulat, ang REPLEKTIBONG SANAYSAY ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay.
MICHAEL STRATFORD
Ayon naman kay _______, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang REPLEKTIBONG SANAYSAY ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
KORI MORGAN
Isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ang paglalakbay ay kinapalolooban ng
mayamang karanasan.
LAKBAY SANAYSAY
Ayon kay ________, sa kanyang artikulong “The art of the travel essay,” ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng
matinding pagnanais na maglakbay.
PATTI MARXSEN