For Finals. Flashcards
pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naabot nito.
Telebisyon
Sa paglaganap ng ____ connection ay lalong dumami ang nanonood ng telebisyon saan mang sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging mga Pilipino sa ibang bansa.
Cable o satellite
gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito. May mga istasyon sa radyo sa probinsya na gumagamit ng rehiyunal na wika pero kapag kinakapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
AM (amplitude modulation) o FM (frequency modulated)
Sa ___ naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid. Mas binibili ang tabloid ng masa o karaniwang tao tulad ng drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa, at iba.
dyaryo
Mga salita ay hango sa mga inisyal/unang pantig ng salita
Akronim
Mapanuring pagbuo ng mga salita na naglalayong makapagbigay ng kahulugan at depenisyon sa mga bagay-bagay.
Leksikon
tatambal ng morpema na naging bahagi ng wikang Filipino (dulawit, balarila)
Pagtatambal
Pagpapaikli ng mga salita, kadalasang ginagamit sa pasalitang paraan
Pagbabawas/Clipping
Kung may binabawasan, may dinadagdagan
Pagdaragdag
Pagbabawas/pagtatambal ng mga salita
Paghahalo/Blending
pansariling kahulugan at literal na kahulugan
Denotasyon/Konotasyon
Tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog. Pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.
Ponolohiya
Tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika Tumutukoy sa makabuluhang tunog - ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita Ang kaniyang dalawang uri ay katinig at patinig
Ponema
ang tunog na /e/ at /i/, o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng salita (babae, babai)
Allophone
Tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a, e, i, o, u/ at tunog ng malapatinig /w. y/ sa iisang panting. /ayaw, giliw, bahay, gulay/
Diptonggo
Magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa isiyal, sentral, pinal. (Nars, kwento, braso, klase)
Klaster
Magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema. (titik, titig, oso, uso)
Pares Minimal
titik, bantas, pantig, panlapi
Ortograpiya
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKAL
- Kakayahang gramatikal o lingguwistiko
- Kakayahang sosyolingguwistiko
- Kakayahang pragmatik o istratedyik
- Kakayahang diskorsal
Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo
Ito ay ang pagunawa at paggamit sa kasaysayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang ortograpiya.
KAKAYAHANG GRAMATIKAL O LINGGUWISTIKO
- Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.
- Pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap
Sintaks
ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap.
Simuno o Paksa
ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Panaguri
Karaniwan at Di Karaniwan
Pangunahing Uri ng Pangungusap:
Anumang pangungusap o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri basta’t may diwa at mensaheng ipinapahayag. Ito ay maituturing na pangungusap na walang paksa.
Pangungusap na walang paska
- May bagay na umiiral sa himig totoo ng pangungusap sa tulong ng mga katagang may o mayroon.
- Halimbawa:
- May dumating.
- May tumatakbo.
Eksistensyal
- Ito’y isa o dalwang pantig na salita na nagpapaabot ng diwa o kaisipan. Kadalasan na ekspresyon ang ipinapahayag.
- Halimbawa:
- Aray!
- Yehey!
Sambitla
- Salitang pautos na kahit nag-iisa ay may isinasaad na diwa o mensahe kaya’t hindi pwedeng hindi sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo madiin at malalim.
- Halimbawa
- Tayo na!
- Dali!
Pautos
- Pagbati at iba pang kalugod-lugod na salitang sinasabi upang makapag taguyod ng mabuting ugnayan.
- Halimbawa:
- Magandang umaga!
- Opo
Pormulasyong Panlipunan
- Ito’y ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga.
- Halimbawa:
- Ang galing!
- O, kay ganda!
Pahanga
Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian, karaniwang pangabay na pamanahon.
Halimbawa:
Umaga na.
Temporal
- Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o pangkapaligiran.
- Halimbawa:
- Makulimlim na naman.
- Umuulan
Penomenal/Pamanahon
- Maaari ring tawaging “vocative” o iisang salita o panawag
- Halimbawa:
- Psst!
- Hoy!
- Babe!
Panawag
- Nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na “lang/lamang.”
- Halimbawa:
- Kagagawa ko lang.
- Kalalaro lang
Ka-pandiwa
sangay ng linggwistika na nag-aaral ng pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Iba’t ibang bahagi ng pananalita Pagbuo ng salita
Morpolohiya
mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae
Pangalan-(noun)