Filipino Tauhan ng El Fili Flashcards
1
Q
- nakabalatkabayong si Crisostomo Ibarra na nagpanggap na isang dayuhang mayamang mag-aalahas
- kaibigan at tagapagpayo ng Kapitan Heneral
A
Simoun
2
Q
- mag-aaral ng Ateneo Municipal
- makata at pamangkin ni Padre Florentino
- binatang mangingibig ni Paulita Gomez
A
Isagani
3
Q
- anak ni Sisa
- naninilbihan kay Kapitan Tiago kapalit ng pag-aaral ng medisina
- may hawak ng lihim ni Simoun
A
Basilio
4
Q
- nangulila nang pumasok na mongha si Maria Clara
- nagumon sa apyan at namatay sa pangungulila
A
Kapitan Tiago
5
Q
- naging Cabeza de Barangay
- naghimagsik laban sa korporasyon ng mga paring umaangkin sa kaniyang hinawan na lupain
A
Kabesang Tales
6
Q
- anak ni Kabesang Tales
- kasintahan ni Basilio
- kapatid ni Tano
A
Juli
7
Q
- nuno o lolo nina Juli at Tano
- dinibdib ang kasawian ng kanilang pamilya
- napipi at nabaril ng apong si Tano
A
Ingkong Selo
8
Q
- tiyahin ni Paulita Gomez
- nag-ayos at kumilos na tulad ng isang Kastila
A
Donya Victorina
9
Q
- dalagang iniibig ni Isagani
- maganda at mayaman
- pamangkin ni Donya Victorina
A
Paulita Gomez
10
Q
- tanyag na abogado sa Maynila at sanggunian ng mga prayle
- pinaghingian din ng tulong ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
A
Ginoong Pasta
11
Q
- ama ni Sinang
- kaibigan ni Kapitan Tiago bagama’t magkalaban sa sugal
A
Kapitan Basilio
12
Q
- mayamang binata
- kasama sa grupo ng mga estudyanteng naghangad na magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
A
Macaraig
13
Q
- mag-aaral na ayaw nang pumasok sa paaralan sapagkat hinihiya tuwina ng kanyang guro
A
Placido Penitente
14
Q
- mag-aaral na kaya lang pumapasok ay upang alamin kung walang pasok
A
Tadeo
15
Q
- paborito ng mga guro sapagkat mayaman
- mapapel sa mga guro
A
Juanito Palaez