Filipino Summative Test #1 Flashcards
-ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo.
Gleason (1961)
- ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita
- nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura
Finnochairo (1964)
- ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao
Sturtevant (1968)
- ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao
- ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita
Hill (1976)
- set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao
Brown (1980)
- ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar
- ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag
Bouman (1990)
- ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad
Webster (1990)
- ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe
- simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal
Bernales et al. (2002)
- mahalaga ang wika sa pakikipagtalastan
- ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sapagkakaunawaan
Mangahis et al. (2006)
- ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraanng pagsasama-sama
Constantino at Zafra
- ang wika ay parang hininga
- gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin
Bienvenido Lumbera
- sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan
Alfonso o. Santiago. (2003)
- may pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon “daan sa pagkakaunawaan”
- nalalaganap ang kultura ng bawat grupo ng tao
- malaya at may soberanya
- lingua franca - filipino
May Sariling Wika
- walang saysay ang sangkatauhan
- magdudulot ng pagkabigo ng sangkatuhan
Pagkawala ng Wika
Ang _____ ay isang sistema ng mga tunog, simbolo, at tuntunin na ginagamit sa komunikasyon.
wika
Mayroong tiyak na kaayusan ng mga tunog at salita.
Masistemang Balangkas
Binubuo ng mga tunog na nililikha ng mga aparato sa pagsasalita.
Sinasalitang Tunog
Maingat na pinipili ang mga salita at inayos upang magkaintindihan.
Pinipili at Isinasaayos
Walang likas na ugnayan ang mga salita at ang kanilang kahulugan.
Arbitraryo
Patuloy na ginagamit ng mga tao sa lipunan.
Ginagamit