Filipino - Simili at Metapora Flashcards
Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan.
Metapora
Ang kabutihan mo ang sagot sa aking panalangin.
Metapora
Kasing-itim ng uwak ang balak ng kriminal.
Simili
Ang mga pangako mo ay tila mga sulat sa buhangin.
Simili
Ang magkapatid ay parang aso’t pusa kung mag-away.
Simili
Ang mga anak ni Grace ang mga anghel sa kanyang buhay.
Metapora
Si Rosa ay tulad ng nangangatal na dahon sa takot.
Simili
Marumi at gula-gulanit na basahan ang damit na suot ng batang lansangan.
Metapora
Animo’y mahugong na lamok ang kapatid kong napakakulit.
Simili
Ang palaruan ng paaralan ay kawangis ng sirko.
Simili
Dahil laging nagpapatawa si Jessie, siya ang payaso ng aming klase.
Metapora
Ang pag-aalboroto ng pilyong bata ay tulad ng malakas na ipu-ipo.
Simili
Ang silid na ito ay kasindumi ng ulbo ng mga baboy.
Simili
Ang asawa ko ang araw ng aking langit.
Metapora
Tangkay ng walis sa kapayatan ang mga bagong modelo.
Metapora
Ang kalusugan ay kayamanan.
Metapora
Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda.
Simili
Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon.
Metapora
Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda.
Simili
Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.
Simili
Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.
Metapora
Ang mga palamuti sa mga bahay tuwing piyestang Pahiyas sa Lucban ay tulad ng
mga kulay ng bahaghari.
Simili
Ang susi sa tagumpay ay tiyaga.
Metapora
Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik ng bukangliwayway.
Metapora
Tayo ay mga tupa at si Hesukristo ang ating pastol.
Metapora
Wari’y hampas sa tambol ang tibok ng aking puso.
Simili
Isang masalimuot na makina ang utak ng tao.
Metapora
Ang buhay ay parang laro—minsan talo, minsan panalo.
Simili
Kasing-init ng pugon ang mga lansangan ngayong tag-init.
Simili
Tambakan ng basura ang silid-tulugan ni Mike.
Metapora
Ito ay isang tayutay na direktang naghahambing ng dalawang bagay.
Simili
Ito ay isang tayutay kung saan ang isang salita na nagpapakita ng tiyak tuwirang
paghahambing ngunit hindi na kailangan gamitan ng pangatnig.
Metapora
Ito nagpapahayag ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag
o katangian ng bagay na inihahambing.
Metapora
Ito ay gumagamit ng mga termino sa paghahambing tulad ng “tulad ng”, “bilang” at
“kaysa” upang bigyang-diin ang mga pagkakatulad sa pagitan ng dalawang aytem.
Simili