Filipino Reviewer Flashcards
akto ng pagtutumbas ng kahulugan ng isang salita o konsepto mula sa orihinal na wika patungo sa isa pa.
Pagsasalin
inilahad niya ang kahalagahan ng pagsasalin sa wikang Filipino.
Dr. Raniela Barbaza
3 paraan ng pagsasalin
Literal, Adaptasyon, Malaya
ito ay ang pagsasaling itinutumbas ang direktang salin ng isang salita mula sa orihinal nito. Pinananatili rin nito ang orihinal na estruktura ng orihinal na teksto.
Literal
ito ay malayang pagsasalin. Karaniwan itong ginagamit sa pagsasalin sa mga akdang pampanitikan gaya ng dula, awit, at tula mula sa isang anyo tungo sa ibang anyo.
Adaptasyon
sa paraang ito, nasa pagpapasiya ng nagsasalin kung paano niya isasalin ang orihinal na likha sa saling-wika
Malaya
10 uri ng tayutay
Pagtawag, Pagpapalit-tawag, Pag-Uyam, Pagmamalabis, Pagwawangis, Paghihimig, Pagpapalit-saklaw, Pahiman, Euphemism, Pagtutulad, Pagbibigay-katauhan
direktang pakikipag-usap sa isang bagay na hindi makatutugon.
Pagtawag
paggamit ng ibang pangalan upang tukuyin ang isang tao, organisasyon, at iba pa.
Pagpapalit-tawag
paggamit ng mga salitang taliwas sa totoong nais ipahayag at kadalasang ginagamit sa pangungutya.
Pag-uyam
mga pahayag na sinasadyang napakalabis o napakakulang upang idiin ang tunay na kalagayan.
Pagmamalabis
paghahalintulad ng dalawang bagay na hindi gumagamit ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo, at iba pa
Pagwawangis
paggamit ng tunog bilang representasyon sa isang buhay o hindi buhay na bagay.
Paghihimig
paggamit sa bahagi o parte ng isang tao o bagay upang maging kinatawan ng kanyang kabuuan.
Pagpapalit-saklaw
mga salitang ipinapalit sa mga pahayag na malaswa, marahas, at makapagdaramdam.
Pahiman