FILIPINO QUIZ 1 Flashcards
AYON KINA _____:
Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
Xing at Jin (1989, sa Bernales, et.al., 2006)
SINABI NI _____:
Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bigay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Badayos (2000)
AYON KAY _____:
Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao.
Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006)
NILARAWAN NINA _____ na:
Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
Peck at Buckingham
(sa Bernales, et al., 2006)
ANO ITO?
Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Akademikong Pagsulat
Isinasagawa sa isang _____ kung saan
kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat ang
akademikong pagsulat.
Akademikong institusyon
AYON KINA _____:
Nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal ang pagbuo ng akademikong pagsulat.
Arrogante et al. 2007
Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.
Akademikong Pagsulat
Anomang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.
Akademikong Pagsulat
Anomang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
Akademikong Pagsulat
2 Yugto ng Pagsulat
Pangkognitibo - nasa isip natin ang ating isinusulat
Proseso ng Pagsulat - pagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis sa ideya
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
Impormatibong Pagsulat (Academic writing)
Mapanghikayat na Pagsulat (Ads)
Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Pansariling Pagpapahayag (Opinionated)
AYON KAY _____:
Ginagawa ang akademikong pagsulat ng mga iskolar para sa mga iskolar.
Nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan ng/o interesante sa akademikong komunidad.
Nararapat na maglahad ng importanteng argumento.
Karen Gocsik (2004)
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA AKADEMIKONG SULATIN
Paksa
Layunin
Kahalagahan ng partikular na akademikong artikulo
PAGSUSURI SA AKADEMIKONG ARTIKULO
Paggamit ng antas ng wika (pormal/di-pormal/kombinasyon)
Pagkakaiba sa layunin ng mga awtor
Paraan ng Pananaliksik