Filipino Q4 W1 - Mga Tauhan Ng Noli Me Tangere Flashcards
*Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataam sa San Diego
*Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara
*Siya ang sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
Don Crisostomo Magsalin Ibarra
*Kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalit sa doktrina ng relihiyon.
*Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
Maria Clara Delos Santos
*Isang bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayudin ang mga suliranin nito.
*Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, ang naiisip ay ang kapakanan ng nakakarami, at may pambihirang tibay ng loob.
Elias
*Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan sa San Diego.
*Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga nangyayare sa paligid.
*Mahalaga siya dahil siya’y naging simbolo ng karunungan sa akda at kumakatawan kay Paciano na kapatid ni Rizal.
Pilosopo Tasyo
*Isang kurang Pransiskano na dating kura sa San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga intsik.
*Madaling mauto at marupok ang kalooban.
Padre Damaso
*Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara.
*Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakakataas sa kanya nugnit sakim at walang pinapanginoon kundi salapi.
Don Santiago “Kapitan Tiago” Delos Santos
*Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan.
*Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yaman na kanyang tinataglay.
Don Rafael Ibarra
*Ang mapagmahal na ina ni Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit.
*Mahalaga siya sapagkat sa kanyang katauhan itinuro sa kababaihan na hindi dapat umuoo nang umuoo sa lahat ng sasabihin ng kalalakihan dahil mayroon din silang karapatan.
*Sinisimbolo niya ang pagmamahal ni Teodora na ina ni Rizal.
Sisa
*Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego. Sinisimbolo niya ang mga prayleng mapangabuso gamit ang kapangyarihan.
Padre Bernardo Salvi
Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
Padre Hernando Sibyla
Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
Basilio
Bunsong kapatid ni Basilio sa isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Crispin
Siya ay pinuno ng mga guwardiya sibilat siya rin mahigpit ng kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
Alperes
Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ni Alperes.
Donya Consolacion
*Isang babaeng punumpuno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.
*Mahilig din siya magsalita ng Kastila bagama’t ito ay laging mali.
*Sinisimbolo niya ang taong magaling magbalat-kayo upang maturingan na perpekto sa harap ng paningin ng mga tao.
Donya Victorina De Espadaña