Filipino - L01 Istruktura ng Wika Flashcards
Identipikasyon
Masistemang balangkas na binubuo ng makabuluhang tunog na nakakalikha ng salita na bumabagay sa iba pang salita na nakakabuo ng pangungusap
Wika
Identipikasyon
Pag-aaral ng makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika
Ponolohiya
Identipikasyon
Pag-aaral sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika
Morpolohiya
Identipikasyon
Pag-aaral ng pormasyon ng mga pangungusap sa isang pangungusap
Sintaksis
Identipikasyon
Pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap
Semantiks
Identipikasyon
Mga tuntunin na pumapatnubay kung paano maaaring pagsama-samahin o pag-ugnayin ang mga salita sa pagbuo ng parirala o pangungusap
Sintaks
Identipikasyon
Binubuo ng simuno at panaguri
Pangungusap
Anyo ng Pangungusap
Simuno … Panaguri
Di-Karaniwang Anyo
Anyo ng Pangungusap
Panaguri … Simuno
Karaniwang Anyo
Identipikasyon
Makabuluhang yunit ng tunog na nakakapagpabago ng kahulugan kapag pinagsama-sama upang makabuo ng salita
Ponema
Uri ng Ponema
Katining (15) at Patinig (5)
Ponemang Segmental
Uri ng Ponema
Pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita
Ponemang Suprasegmental:
Tono
Uri ng Ponema
Haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita
Ponemang Suprasegmental:
Diin
Uri ng Ponema
Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas lalong maging malinaw at mabisa ang ipinapahayag
Ponemang Suprasegmental:
Antala
Identipikasyon
Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng patinig
Diptonggo
Identipikasyon
Magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig; makikita sa unahan, gitna, o hulihang pantig ng salita
Kambal Katinig o Klaster
Identipikasyon
Magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang pinagkaiba ng kanilang kahulugan
Pares-Minimal
Identipikasyon
Ponemang /e/, /i/, /o/, /u/ na maaaring magkapalit ng gamit ngunit walang nagbabago sa kahulugan
Ponemang Malayang Napapalitan
Identipikasyon
Pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan
Morpema
Anyo ng Morpema
/a/ sa babae
/o/ sa lalaki
Binubuo ng ponema
Anyo ng Morpema
Salitang payak
Salitang-ugat
Anyo ng Morpema
Maaaring unlapi, gitlapi, o hulapi
Panlapi
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari
Pangngalan
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Pangngalan:
Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari
Pangngalang Pambalana
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Pangngalan:
Tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari
Pangangalang Pantangi
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Inihahalili o ipinapalit sa pangngalan
Panghalip
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Nagsasaad ng kilos o gawa
Pandiwa
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita, parirala, o pangungusap
Pangatnig
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak, o layon
Pang-ukol
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap
Pang-angkop
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Nagbibigay turing sa isang pangngalan o panghalip
Pang-uri
Morpema: Kahulugang Leksikal o Bahagi ng Pananalita
Nagbibigay turing sa pandiwa, pang0uri, o kapwa pang-abay
Pang-abay
Pangungusap Ayon sa Tungkulin
Nagpapahayag ng isang bahay na pasalaysay
Paturol o Pasalaysay
Pangungusap Ayon sa Tungkulin
Nagtatanong ng isang bagay o mga bagay
Patanong
Pangungusap Ayon sa Tungkulin
Nag-uutos upang gawin ang isang bagay
Pautos
Pangungusap Ayon sa Tungkulin
Di-karaniwang damdamin tulad ng galak, takot, o galit
Padamdam