Filipino I Flashcards
Ginagamit upang maging epektibo sa pagsasalita at pagsusulat (paggamit ng wika sa pagsasalita at pagsusulat).
Retorika
Pag-aaral ng wastong gamit ng salita
Balarila
Dalawang uri ng pagpapahayag
Pasalita at Pasulat
Sino ang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa
Lope K. Santos
Ano ang
‘pangngalan’?
Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at mga pangyayari.
Ano ang dalawang pangkalahatang uri?
Pantangi at pambalana
Ano ang pantangi?
Tiyak na tanging ngalan (Pilipinas, Marso, Cebu)
Ano ang pambalana?
pangkaraniwang ngalang pangkalahatan (guto, taon, buwan, bansa)
Ano ang tahas?
Kongkreto, nakikita at nahahawakan
Ano ang basal?
Hindi kongkreto, abstrakto, di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip, nagugunita o napapangarap
Ano ang lansakan?
Pangkaraniwang pangngalang nagsasaad ng kaisagan sa kabila ng dami o bilang
Ano ang isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura
ng salita?
Morpolohiya
Ano ang isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kahulugan ng mga salita o wika?
Semantiks
Ano ang isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap?
Sintaks (Palaugnayan)
Ano ang tawag sa pag-aaral ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik alinsunod sa wastong gamit?
Ortograpiya (Palabaybayan)