Filipino - First Summative Test - Remembering Flashcards
Ano ang mga pangalan ng dalawang epikong Griyego na naglalarawan ng mga kabayanihan noong panahon ng Digmaang Trojan?
Iliad at Odyssey.
Sino ang may-akda ng Iliad at Odyssey?
Homero.
Ano ang sentro ng Iliad?
Ang Iliad ay nakasentro sa huling bahagi ng Digmaang Trojan, partikular sa galit ni Achilles.
Anong pangalan ng digmaan na pinag-uugatan ng Ang Iliad at Odyssey?
Digmaang Trojan.
Ano ang pangalan ng napakalaking epikong Hindu mula sa India na itinuturing na isa sa pinakamahabang epiko sa buong mundo?
Mahabharata.
Ano ang mga magkaribal na pamilya na naglalaban para sa trono ng Hastinapura sa Mahabharata?
Pandavas at Kauravas.
Ano ang mga aspeto ng sinaunang India na tinutukoy ng Mahabharata?
Ang Mahabharata ay isang salamin ng komplikadong ugnayan ng pamilya, politika, dharma (tungkulin), at espirituwalidad sa sinaunang India.
Sino ang may-akda ng Divina Commedia?
Dante Alighieri.
Ano ang mga bahagi ng Divina Commedia?
Inferno, Purgatorio, at Paradiso.
Sino ang mga gabay ni Dante sa kanyang paglalakbay?
Virgil sa Impyerno at Purgatoryo, at Beatrice sa Paraiso.
Sino ang tinutukoy bilang El Cid Campeador?
Rodrigo Díaz de Vivar.
Ano ang pangalan ng epikong tula na nagkukuwento ng buhay ni El Cid?
Cantar de Mio Cid.
Saan at kailan namatay si El Cid?
Valencia, 10 Hulyo 1099.
Ano ang salitang Latin na pinanggalingan ng salitang “Panitikan”?
“Litera” - letra o titik.
Ano ang ibig sabihin ng “pang-titik-an”?
Repleksiyon ng katotohanan.
Ano ang mga bagay na sumasalamin sa Panitikan?
Mga pangyayari na naririnig, nakikita, at nababasa.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Reyes (1992)?
Isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Salazar?
Isang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Honoraio Azarias?
Nagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa at sa Dakilang Lumikha.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Webster?
Anumang bagay na isinusulat na may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito ay may katotohanan o bunga lamang ng imahinasyon.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Maria Ramos?
Pangyayari sa nakaraan ng mga tao sa lipunan, naipapalitaw ang mga tunguhin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Atienza, Ramos, Zalazar, at Nozal?
Hindi nagtatapos ang pagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Arrogante?
Isang talaan ng buhay kung saan nagbubunyag ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay sa buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
Ano ang kahulugan ng Panitikan ayon kay Patricia Melendez-Cruz?
Anyo ng pag-iisip ng manunulat.