FILIPINO (December 30, 2024) Flashcards
- Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay mula sa masidhing damdamin ng tao?
a. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tata
c. Teoryang Ding-dong
d. Teoryang Yoheho
Teoryang Pooh-pooh
Teoryang Tata (kumpas ng kamay)
Teoryang Ding-dong (tunog ng mga bagay o nalilikha ng tao ex. Dindong ng doorbell)
Teoryang Yoheho (pwersang pisikal)
- Anong teorya ng wika ang naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ritwal ng mga ninuno?
a. Teoryang Lala (romansa)
b. Teoryang Sing Song (musikal)
c. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay
d. Teoryang Hocus Pocus (mahikal)
Teoryang Tarara-Boom-De-Ay
Teoryang Lala (romansa)
Teoryang Sing Song (musikal)
Teoryang Hocus Pocus (mahikal)
- Sino ang nagsabi na ang wika ay simbolikong gawaing pantao at sentral na elemento sa lahat ng ating mga gawain.
a. Clyde Kluckhon
b. Henry Gleason (wika ay sinasalitang tunog)
c. Ignoratio Elenchi
d. Archibald Hill (simbolikong gawaing pantao)
d. Archibald Hill (simbolikong gawaing pantao)
- Ang mga salitang “jowa” “ispu” at “tsikot” ay nasa anong antas ng wika?
a. Kolokyal (pagpapaikli ng mga salita)
b. Lalawiganin (partikular na pook)
c. Balbal (slang/mababang antas ng wika)
d. Pambansa (ginagamit sa paaralan o pamahalaan)
c. Balbal (slang/mababang antas ng wika)
- Anong barayti ng wika ang tumutukoy sa wika na ginagamit ng isang indibidwal ayon sa kanyang propesyon at katayuan sa lipunang ginagalawan?
a. Sosyolek
b. Idyolek
c. Lalawiganin
d. Dayalekto
a. Sosyolek
- Anong bantas ang siyang inilalagay sa pagitan ng unlaping “ika” at “tambilang”?
a. tuldok
b. kuwit
c. panaklong
d. gitling
d. gitling
- Tuldokkuwit ang bantas na ginagamit sa paghihiwalay ng mga ____
a. Pangungusap
b. Salita
c. Sugnay (clause)
d. Parirala (phrase)
c. Sugnay (clause)
- Isang paraan ng pagkuha ng datos na ginagamitan ng sunod-sunod na tatlong tuldok para ipakita na may mga bahaging hindi sinipi sa talata
a. Ellipsis
b. Abstrak
c. Synopsis
d. Sintesis
a. Ellipsis
- Ang sumusunod ay tamang gamit ng gitling maliban sa
a. Ika-25 ng Disyembre
b. Iba’t-iba
c. Araw-araw
d. Taga- Mandaluyong
b. Iba’t-iba
- Mas magiging masaya ang pagdiriwang kung makakadalo _____ Luisito at Clara.
a. Sila (panghalip)
b. Sina (pantukoy)
b. Sina (pantukoy)
- Wala na ____ pag-asa pang mabago ang kanyang pasya
a. raw
b. daw
a. raw
- Si Binibining Reyes ay umaawit at sumasayaw ___
a. din
b. rin
b. rin
- Ang bata ay bumili ____ laruan.
a. ng
b. nang
a. ng
- Mag-aral ka ___ makapasa ka sa oras ng pagsusulit.
a. ng
b. nang
b. nang
- Sayaw ___ sayaw si Lily.
a. ng
b. nang
b. nang
- Natulog ____ pabaluktok si Judy kapag malamig ang panahon.
a. ng
b. nang
b. nang
- ____ mo ang pawis mo sa likod.
a. Pahiran
b. Pahirin (tanggalin)
b. Pahirin (tanggalin)
- ___ mo ang dumi sa mesa.
a. Punasin (bagay na tatanggalin; specific esp. dumi)
b. Punasan (kapag walang binabanggit na bagay)
a. Punasin (bagay na tatanggalin; specific esp. dumi)
- ____ ng doktor ang aking mata sa susunod na buwan.
a. Ooperahin (tiyak na bahagi ng tao)
b. Ooperahan (hindi binanggit ang bahagi)
a. Ooperahin (tiyak na bahagi ng tao)
- ______ mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
a. Subukan (observe, pagmamanman)
b. Subukin (test or try)
b. Subukin (test or try)
- Isang manunulat sa panahon ng Amerikano na naging tanyag sa kanyang tulang “Ang Guryon”
a. Ildefonso Santos
b. Alejandro Abadilla
c. Amado Hernandez
d. Teodor Gener
a. Ildefonso Santos
Alejandro Abadilla- Ako ang Daigdig
Amado Hernandez- Ibong Mandaragit
Teodor Gener- Nagsalin ng Don Quixote
- Ang kauna-unahang nobelang isinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles.
a. The Portrait
b. Like the Molave
c. A Child of Sorrow
d. A Vision of Beauty
c. A Child of Sorrow- Zoilo Galang
- Sino ang may-akda ng Fray Botod?
a. Jose Garcia Villa- Doveglion, Footnote to the Youth
b. Marcelo Del Pilar- Plaridel
c. Graciano Lopez Jaena
d. Jose Rizal
c. Graciano Lopez Jaena
- Isang Pilipinong manunulat na tanyag sa kanyang sagisag-panulat na Dimas-ilaw.
a. Jose Dela Cruz
b. Jose Corazon de Jesus
c. Antonio Luna
d. Emilio Jacinto
d. Emilio Jacinto
Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw)
Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute; Makata ng Puso; Hari ng Balagtasan)
Antonio Luna (Taga-ilog; La Independencia)
- Ito ay isang aklat na sinulat ni Marcelo H. Del Pilar na nagtatanggol sa Noli Me Tangere na tinuligsa ni Padre Jose Rodriguez.
a. Caigat Kayo
b. Ang Kadakilaan ang Dios
c. Dasalan at Tocsohan
d. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
a. Caigat Kayo
- Siya ang kauna-unahang nagsalin sa tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal at siya rin ang nagtaguyod ng pahayagang El Resumen
a. Jose Maria Panganiban
b. Pascual Poblete
c. Julian Felipe (tunog)
d. Emilio Jacinto
e. Jose Palma (titik)
b. Pascual Poblete
- Siya ang may-akda ng Ninay (first novel in Spanish)
a. Pedro Paterno
b. Jumapa
c. Emilio Jacinto
d. Isabelo delos Reyes (Ama ng Manggagawa)
a. Pedro Paterno
- Sino ang may-akda ng nobelang Banaag at Sikat?
a. Jose dela Cruz
b. Jose Corazon de Jesus
c. Lope K. Santos
d. Emilio Jacinto
c. Lope K. Santos
- Bahagi ng pahayagan na nag-uulat ng mga tunay na pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa paraang kawili-wili.
a. Pangulong tudling
b. Komento
c. Lathalain
d. Editoryal
c. Lathalain
- Mababasa sa bahaging ito ang mga kuro-kuro ng patnugot ng pahayagan tungkol sa napapanahong isyu.
a. Lathalain
b. Seksyong Pangangalakal
c. Panlibangan
d. Pangulong tudling
d. Pangulong tudling