FILIPINO 2 Flashcards
Ito ay nagsasaad kung kalan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa
Pamanahon
Ito’y tumutukoy sa pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang parirlang sa/kay
Panlunan
Ito’y naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/ ng
Pamaraan
Ito’y nagbabadya ng di katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa
Pang-agam
ito’y nagsasaad ng pagsang-ayon tulad ng opo, tunay, sadya, talaga, atb
Panang-ayon
ito’y nagsasaad ng pagtangi tulad ng hindi / di o ayaw
pananggi
ito’y nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong gaano o magkaano
Paggaano
Ito’y nagsasad ng paggalang
Pamitagan
Ito’y katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
ingklitik
Ito’y nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa
Kondisyonal
Ito’y tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa
Kawsatibo
Ito’y tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa
Benepaktibo
Ito’y pinangungunahan ng tungkol hinggil o ukol
Pangkaukulan