FILIPINO Flashcards
Anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kumpara sa ibang anyo nito tulad ng maikling kwento at nobela.
SANAYSAY
Naglalayong bigyang-katwiran, paliwanag, o suriin ang partikular na sanaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari o karanasan an hindi na nangangailangan ng mahabang pag-aaral.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ano ang tatlong bahagi ng replektibong sanaysay?
PANIMULA, KATAWAN AT KONGKLUSYON
Binibigyang-halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari.
KATAWAN
Sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.
PANIMULA
Dapat na mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa.
KONGKLUSYON
Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama.
LAKBAY SANAYSAY
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay.
LABAY SANAYSAY
Ang lakbay sanaysay ay maaring pumaksa sa:
URI NG ARKITEKTURA, ESTRUKTURA, KASAYSAYAN, KULTURA AT IBA PA
Ayon sa kanya, ang sanaysay ay “ang salaysay ng isang sanay”
ALEJANDRO G. ABADILLA
Ano ang tawag sa lakbay sanaysay sa ingles?
TRAVEL ESSAY
Tinatawag ni ____ ang lakbay sanaysay na Sanaylakbay.
NONON CARANDANG
Ano ang tawag ni Nonon Carandang sa Lakbay sanaysay?
SANAYLAKBAY
Ano ano ang tatlong konsepto ang bumubuo sa lakbay sanaysay?
SANAYSAY, SANAY, AT LAKBAY