FILIPINO Flashcards
Isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala, sumasalamin sa iba’t ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura
Karunungang-bayan
Ito ay palaisipan sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang bagay na pinahuhulaan. Isang uri ng palaisipang nasa anyong patula
Bugtong
Ito ay pahayag na maiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan na naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal
Salawikain
Ito ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga na nagsasaad ng dito tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Tinatawag din itong idyoma o idiom sa wikang ingles. Ito ay salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Naiiwasan ang makasakit ng loob sa kapwa tao kapag gumagamit ng mga patalinghaga na salita sa pakikipag-communikasyon
Sawikain
Sa Ingles ito ay tinatawag na saying karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos o gawi ng isang tao. Itoy hindi gumagamit ng mga talinhaga. Payak ang kahulugan ng sabihan kaya madaling maunawaanang mensaheng hatid nito.
Kasabihan
Ito ay mga salita o pahayag na sadyang pampalubag-loob o pampalumanay upang hindi makasakit ng damdamin at hindi maging maganda sa pandinig nang taong nakakarinig ngayon din kung ito ay kanyang babasahin.
Eupimistikong pahayag
Paraan ng paglalarawan ng dalawa o higit pang katangian o kalagayan. isa rin itong pamamaraan sa pag-uugnay ng maaaring magkaiba o magkatulad ng katangian o kalagayan
Paghahambing
Ang dalawang pinaghahambing ay may patas o pantay na katangian ginagamitan ito ng panlaping magka, sing, sim, sin, magsing, magsin, ga, pareho, kapwa, tulad
Paghahambing na magkatulad
Nagpapakita ng di pantay na katangian ng pangngaalan
Paghahambing na di magkatulad
Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing
(Higit, labis, lalo, mas, di-hamak)
Palamang
Kulang sa katangian ng isa sa dalawang pinaghahambing
(Di-gasino, di gaano, di-lubha, di-totoo di masyado)
Pasahol
Ang talata ay binubuo ng lipun ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan. Sa pagsulat ng talata mahalaga ring bigyang pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad.
Iba’t-ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa
Kinakailangan bigyan ng katuturan o depinisyon ang mga salitang hindi agad agad naintindihan upang mabigyan linaw ang isang bagay na tinutukoy
Pagbibigay katuturan o definition
May mga bagay na nasa kategoriang iisa at halos magkapareho sa paghahambing ay naipapakita nakatangian ng mga bagay na magkatulad
Paghahawig o pagtutulad
Ipinapaliwanag nito Hindi lamang ang bahagi ng kabuuan ng isang bagay kundi pati na rin ang mga kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t-isa
Pagsusuri