Filipino Flashcards
Siya ay isa sa mga tanyag na manunulat ng dula at makata na namuhaynoong makalumang Greece. Kilala siya bilang Ama ng Komedya.
Aristophanes
Isinafilipino nila ang “Ang Talumpati ni Aristophanes mula sa Symposium ni Plato”.
Frances Paula Ibanez at Alvin Ramirez
Siya ay isang tagapamahalang heneral ng Sparta naglarawan sa Greece sa kaniyang mga kasulatan.
Pausanias
Siya ay isang kilalang manggagamot sa sinaunang Greece.
Eryximachus
Sila ang dalawang higanteng nagtagumpay sa pagpasuko kay Mars, diyos ng pakikidigma.
Otys at Efialte
Siya ang kinikilalang manunulat ng mga epikong Iliad at Odyssey.
Homer
Siya ang tagapamuno ng mga diyos at diyosa sa sinaunang Greece.
Zeus
Siya ang anak ni Zeus at diyos ng araw.
Apollo
Siya ang diyos ng apoy at pagpapanday sa sinaunang Greece.
Hephaestus
Ito ay grupo ng mga estadong sinakop ng Sparta noong sinaunang Greece.
Arcadian
Sila ay bahagi ng sinaunang Greece na kasama ng Sparta.
Lacedaemonians
Ito ang pangatlong kasarian.
Androgynous
Ano ang orihinal na anak ng araw?
Lalaki
Ano ang orihinal na anak ng lupa?
Babae
Ano ang orihinal na anak ng buwan?
Lalaki-Babae
Ito ay isinulat na personal na karanasan, saloobin, damdamin, o kuro-kurong isang taong sanay sa pagsulat at maiuugnay rin ito sa pagsulat ng talumpati.
Sanaysay
Hindi ito hango sa karanasan o damdamin ng nagsusulat at angpangunahing katangian nito ay ang pagiging maimpormasyon at lohikal.
Pormal o Maanyo
Ang nilalaman nito ay hango sa personal na karanasan ngnagsulat. Ito ay nakaaaliw, madaling intindihin, at tumatalakay sa mga bagay napamilyar sa mga taong nagbabasa o nakikinig.
Pamilyar o Palagayan
Ang bahagi ng sanaysay na ito ang pinakamahalaga, dahil kinakailangang maging mabisa ang ____ upang makuha o mapukaw ng manunulat ang atensyon ngmambabasa.
Simula o Panimula
Sa bahagi ng sanaysay na ito naman makikita at mababasa ang mahahalagang impormasyon,kabuoang nilalaman, o ideya ng manunulat tungkol sa paksang tinatalakay.
Gitna o Katawan
Ito ang panghuling bahagi na nagtatapos sa tinalakay na panimula o katawan ng isangsanaysay. Mababasa rin sa bahaging ito ang konklusyon o mensahe ng manunulat sapaksa. Maaari ring maglagay ng mensahe ang manunulat na makapanghahamon samambabasa na maisakatuparan ang mga ito.
Wakas
Sino ang nag buod ng Odyssey?
Rommel A. Pamaos
Sino ang pangunahing tauhan at bayani sa Odyssey?
Odysseus
Ano ang ibig sabihin ng “dagok”?
Pagsubok
Sino ang asawa at anak ni Odysseus?
Asawa - Penelope | Anak - Telemachus
Ilan ang naging manliligaw ni Penelope?
108
Sino ang diyosang nag iingat kay Odysseus?
Athena
Sino ang umibig ng matindi kay Odysseus?
Calypso
Sino ang ninuno at mensahero ng mga diyos?
Hermes
Saang isla nabihag si Odysseus? Ilang taon siya nabihag doon?
Ogygia | 7 Taon
Ano ang ibinigay ni Ino kay Odysseus?
Belo
Sino ang diyos na may galit kay Odysseus?
Poseidon
Sino ang anak ni Poseidon na pinatay ni Odysseus?
Polyphemus
Ito ay mahabang tula na nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o ginawa ng isa o higit pang bayani o mala-alamat na nilalang.
Epiko
Saang salita nanggaling ang salitang “epiko”?
Epico
Ito tinuturing na isa sa pinakamahusay na mitolohiya.
Mitolohiyang Griyego
Ito ay isang kuwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan, o pangyayari ay mayroon pang mas higit o malalim na kahulugan kaysa sa literal nitong ibig sabihin.
Alegorya
Ano ang isang halimbawa ng alegorya?
Alegorya ng Yungib
Saan hango ang pangalang Pransiya at ano ang ibig sabihin nito?
Francia | “Lupain ng mga Prangko”
Sino ang nagsulat at nagsafilipino ng Gabi ng Mayaw?
Charles Baudelaire | Frances Paula Ibañez at Alvin Ramirez
Ito ay isang uri ng panitikan. Masining itong isinusulat gamit ang iba’t ibang anyo at estilo.
Tula
Ito ay isang grupo ng salita sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
Saknong
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Sukat
Sinasabing mayroong _______ ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ay magkakasintunog.
Tugma
Ito ang maririkit na salita na ginagamit upang masiyahan ang mambabasa at mapukaw ang kanilang damdamin o kawilihan
Sining o Kariktan
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghagang salita at tayutay.
Talinhaga
Ito ay ang porma ng tula.
Anyo
Ano ang tatlong anyo ng tula?
Tradisyunal
Berso Blangko
Malayang Taludturan
Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma, at mgasalitang may malalim na kahulugan.
Tradisyunal
Ito ay ang tulang mayroong sukat ngunit walang tugma
Berso Blangko
Ito ay ang tulang walang sukat at wala ring tugma.
Malayang Taludturan
Ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tono o pagbigkas ng isang salita o pangungusap
Tono o Indayog
Ano ang mga uri ng tula?
Tulang Liriko o Pandamdamin
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Tulang Pantanghalan o Dula
Ito ay tulang nagpapahayag ng saloobin at damdamin ng makata. Ito ay karaniwang ginagamit sa isang kanta.
Tulang Liriko o Pandamdamin
Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay (liriko) na ang bawat saknong ay binubuo ng tig-aapat na taludtod na may lalabindalawahing pantig.
Awit
Isang tula na karaniwang may labing-apat na linya. Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao
Soneto
Ito ay karaniwang tula na nakasulat bilang papuri o dedikado para sa isang tao
Oda
Ito ay tulang mayroong kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan o kaya’y isang tula para sa paggunita sa pumanaw.
Elehiya
Ito ay karaniwang tula na pangrelihiyon, partikular itong isinusulat para sa papuri, pagsamba, o panalangin
Dalit
Ano-ano ang mga uri ng tulang liriko?
Awit
Soneto
Oda
Elehiya
Dalit
Ito ay tulang may balangkas. Ito ay maaaring maikli o mahaba
Tulang Pasalaysay
Ito ay isang mahabang tula na karaniwang tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng detalye tungkol sa ginawang kabayanihan o mga kaganapang makabuluhan sa isang kultura o bansa
Epiko
Ito ay naglalaman ng walang sukat, ito ay kadalasang mga alamat o kuwento at ang isang tanyag sa bansa ay ang Ibong Adarna.
Awit o Korido
Ang karaniwang paksa na nilalaman nito ay ang mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay.
Karaniwang Tulang Pasalaysay
Ano-ano ang mga uri ng tulang pasalaysay?
Epiko
Awit o Korido
Karaniwang Tulang Pasalaysay
Ito ay tulang nakatuon sa pagbibigay-damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.
Tulang Patnigan
Ito ay tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Balagtasan
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal”.
Karagatan
Ito rin ay isang laro o paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran sa pamamagitan ng patula
Duplo
Ano-ano ang mga uri ng tulang patnigan?
Balagtasan
Karagatan
Duplo
Ito ay tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Ito ay patulang pabigkas na minsa’y sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.
Tulang Pantanghalan o Dula
Ginagamit ito kung ang pinagsusunod-sunod ay pangngalan.
Pang uring pamilang na panunuran o ordinal
Ito ay ginagamit kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay o pangyayari tulad ng pagluluto, pagkukumpuni, at anomang paggawa ng ibang bagay.
Tekstong Prosidyural
Ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap. Ito rin ay may layuning pagsunod-sunurin ang mga pangyayari.
Pang-ugnay
Ilang taon sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas?
333 Taon
Sino ang nagsulat at nagsafilipino ng Larawang Garing?
Emilia Pardon Bazan | Johans Cruz
Ito ay malaunang tusukan ng mga asipili’t sinulid.
Almohadilya
Ito ay nangangahuluhang ivory sa ingles.
Garing
Ito isang bagay sa isang katha na sumasagisag sa ibang konsepto bukod sa o kasama ang mismong bagay na karaniwang tinutukoy nito
Simbolo
Ito ay isang salaysay na hitik sa simbolo at sumasagisag sa isa pang pangyayari
Alegorya
Ito ay paraan ng paghahambing gamit ang mga bagay.
Metapora
Ito ay may gamit na anaporiko, ibig sabihin, tumutukoy sa mga entidad.
Panghalip na panao
Tinutukoy nito ang nagsasalita.
Unang Panauhin
Tinutukoy nito ang kinakausap.
Ikalawang Panauhin
Tinutukoy nito ang pinaguusapan.
Ikatlong Panauhin