Filipino Flashcards
Identification
Ito ay maituturing na pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino. Pinagmulan ito ng iba pang sining tulad ng awit, sayaw at dula. Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno.
Tula
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbigkas ng Tula
Mahalagang malaman ng bibigkas ng tula ang _ ng kaniyang bibigkasin upang malinaw niyang maiparating ang nais sabihin ng sumulat at maiayos niya sa layon ng tula ang tinig, kilos, tindig, at kumpas na kanyang isasagawa.
Layunin
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbigkas ng Tula
Kailangang maramdaman ng mambibigkas ang emosyon o damdaming nais iparating ng tula.
Kaugnayan ng Magbibigkas sa Madla
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbigkas ng Tula
Nararapat ang malinaw na pagbigkas at naaayon sa diwang ipinahahayag ang paglakas at paghina ng tinig gayundin ang himig nito.
Tinig at Himig
Kahulugan ng Tula
- Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan.
- Ang tula ay isang konsepto na naglalaman ng kagandahan, kahinhinan, at kadakilaan.
- Binubuklod nito ang tatlong elemento na ito sa isang kaisipan, inaangkin ang karapatan na tawaging tula.
Sino ang nagsabi?
Julian Cruz Balmaceda
Ang Tula Bilang Sining ng Paggagad
- “Ang tula ay panggagagad.”
- Ang tula ay isang aktong paglikha, katulad ng paglikha ng isang pintura, isang likha, o isang performance ng isang artista sa entablado.
- “Ang saklaw ng tula ay higit na malawak kaysa sa ibang tinig, kahit pagsamahin pa ang mga ito.”
- Ang saklaw ng tula ay mas malawak kaysa sa ibang tinig, kahit pagsama-sama ang mga ito.
Sino ang nagsabi?
Fernando Monleon
Ang Tula Bilang Pampalakas ng Kamalayan
- “Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.”
- Ang tula ay isang kamalayan na nagbibigay inspirasyon at lakas.
Sino ang nagsabi?
Alejandro G. Abadilla
Anyo ng Tula
May sukat at tugma
Tradisyonal
Anyo ng Tula
May sukat, walang tugma
Blangko Berso
Anyo ng Tula
Walang sukat at walang tugma
Malayang Taludturan
Elemento ng Tula
- Bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
- Karaniwang gamitin ang labindalawa, labing-anim, at labingwalong pantig.
- Ang mga tulang wala nito ay kabilang sa MALAYANG TALUDTURAN.
Hal.
Pag/pu/pu/ring/ lu/bos/ ang/ pa/la/ging/ ha/ngad/-12
Sa/ ba/yan/ ng/ ta/ong/ may/ da/ngal/ na/ i/ngat/,- 12
Sukat
Elemento ng Tula
- Pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita sa taludtod.
- Maaaring magtapos sa patinig at katinig at binibigkas nang mabilis, malumanay o mas impit sa lalamunan.
- Kung hindi magkakatulad ang salita sa dulo subalit magkakahimig naman, ang tawag dito ay tugmaang di-ganap.
Tugma
Elemento ng Tula
Sadyang paglayo sa paggamit ng mga karaniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.
Talinhaga
Elemento ng Tula
Salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Larawang Diwa o Imagery
Elemento ng Tula
Salita ng tula na may kahulugan sa mapanuring mambabasa.
Simbolismo o Symbolism
Uri ng Tula
Padamdaming tula
Linko
Uri ng Tula
- 14 na linya.
- Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Soneto
Uri ng Tula
Isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikasyon sa isang tao o bagay na
nagsisilbing inspirasyon.
Oda
Uri ng Tula
- Awit sa namamatay
Elihiya/Elehiya
Uri ng Tula
- Karaniwang panrelihiyon para sa layunin na pagpuri, pagsamba o panalangin.
Dalit
Awiting Bayan
Awit na pampatulog ng sanggol
Oyayi o Hele
Awiting Bayan
Awit ng pag-ibig
Kundiman
Awiting Bayan
Awit sa pakikidigma
Kumintang
Awiting Bayan
Awit sa paggaod
Tigpasin
Awiting Bayan
Awit sa pangkasal
Ihiman
Awiting Bayan
Awit ng paglalakad sa lansangan
Indulain
Identification
Isang pananaw ng isang tao o pangkat ng tao na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. Maaaring magpahayag ng magpahayag ng pakiwari, kuru-kuro at saloobin sa paksa.
Hal.
Sa aking palagay ay dapat nating timbangin ang mga bagay bagay upang makagawa ng desisyon.
Opinyon
Identification
Pagbibigay ng sanhi (dahilan, pag-uugnay) ng mga lipon ng mga salitang nagbibigay ng nagsasabi ng kadahilanan. Mga ginagamit na halimbawa ay ang dahil sa, sapagkat at palibhasa.
Hal.
Hindi siya nakapasok sa eskuwela sapagkat malakas ang bagyo.
Katuwiran
Panahon ng Tula
Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga negrito o Aeta hanggang sa taong 1521.
* Baybaying binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig sa isinusulat sa mga dahon at balat ng mga punong kahoy.
* Mayroon ng panitikang pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may
anyong panulaan, tuluyan at dula.
* Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikan at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting-bayan at epiko.
Matandang Panahon
Panahon ng Tula
- Nagkaroon ang tulang Pilipino ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa kagaya ng pakasang panrelihiyon, pang moralidad, etika, at panlibangan, pangwika, at pangromansa. (palasak na sa Europa)
- Nadagdag ang tugma, pasyon, dalit at ang awit at korido.
Panahon ng Kastila