FILIPIKNOW Flashcards
Ano ang Elehiya?
Tula ng pagpaparangal sa isang namayapa na.
Halimbawa nito ang tulang handog ni Private First Class Angelo Estores para sa mga Sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi (Hunuo 2017).
Ano ang Soneto?
Isang saknong na tula na binubuo ng 14 taludtod, na tumatalakay ng iba’t ibang paksang nagpapahayag ng kaisipan o damdamin.
May dalawang estrukturang sinusunod: (a) Petrarchan at (b) Shakesperean.
Ano ang dalit?
Mga tulang pumupuri o nagpapasalamat sa Diyos, kay Hesukristo o sa Birheng Maria.
Halimbawa: Dalit para kay Maria, Dalit ng pasasalamat sa Diyos.
Ano ang Pastoral?
Mga tulang naglalarawan sa buhay, paniniwala, katangian at pilosopiya ng mga magsasaka.
Ano ang Awiting-Bayan?
Mga tradisyunal na awiting mula sa iba’t ibang bayan, lalawigan o pangkat-etniko na naglalarawan sa isang kultura.
Ano ang mga Awitin?
Isang uri ng tula na may mga sikat na awiting na tagos-puso ang mga titik.
Ano ang Tulang Pandulaan?
Pantanghalan ngunit patula ang mga dayalogo.
Ano ang Komedya?
Karaniwang nagtampok ng mga magaan, masaya, at nakakatuwang tema.
Ano ang Trahedya?
Umatalakay sa mga malungkot o masalimuot na sitwasyon.
Ano ang Melodrama?
Karaniwang nagpapakita ng labis na emosyon at masyadong dramatiko o exaggerated ang mga pangyayari.
Ano ang Parsa?
Nagpapakita ng labis na kalokohan at mabilis na aksyon.
Ano ang Saynete?
Maikli at kadalasang tumatalakay sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay ng mga tao, katatawanan.
Ano ang Tulang Patnigan?
Mga tulang sagutan ng dalawang magkatunggali o magkalabang mambibigkas.
Ano ang Karagatan?
Tulang sagutan tungkol sa kunwari’y nawawalang singing ng hari o prinsesa na nahulog sa dagat.
Ano ang Duplo?
Tulang sagutan na idinaraos kapag may lamayan.
Ano ang Balagtasan?
Debating patula hinggil sa isang paksa na binubuo ng dalawang panig: sang ayon at di sang ayon.
Ano ang Aliterasyon?
Nauukol ito sa pag-uulit ng mga unang tunog na katinig.
Halimbawa: Katulad mo’y mga bituing kumukutitap sa kalawakan.
Ano ang Euphemism?
Paggamit ng mga salitang mas magandang pakinggan kaysa karaniwang mga salita.
Halimbawa: Pumanaw ang kanyang lola.
Ano ang Irony o Kabalintunaan?
Paggamit ng mga salita na ang ibig sabihin ay ang kabaligtaran nito.
Ano ang Metonimya?
Pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkaugnay.
Halimbawa: Nagbigay ng kanyang suporta ang mga paaralan sa proyekto ng pamahalaan.
Ano ang Onomatopoeia?
Paggamit ng mga salitang nauukol sa tunog ng mga bagay-bagay.
Halimbawa: Ang tik-tak ng orasan ay nagpapakaba lalo sa aking dibdib.
Ano ang Paksa o Tema?
Isipin kung saan iikot ang kuwento na maaaring magpakita ng katutubong-kulay, kapaligiran, o tauhan.
Ano ang Mga Tauhan?
Mahalaga ang elementong ito dahil sila ang sinusubaybayan sa loob ng kuwento.
Ano ang Tagpuan?
Lunan o pook kung saan nagaganap ang kuwento.
Kasama ang oras o panahon at kalagayan.