FIL 101 Flashcards
pananaliksik
Ano ang tamang ayos ng bahagi ng papel pananaliksik?
Abstrak
Kaligiran at Suliranin ng Pag-aaral
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Pamamaraan
Presentasyon ng mga Datos
Mga Natuklasan
Reperensiya
Apendiks
Ito ay ayon kay __________ noong 1997 na ang pananaliksik ay isang paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran
Susan B. Neuman
Ayon kay ________ noong 2006 Malinaw na ang intelektuwal na gawain ay hindi pansarili lamang, bagkus ay kailangang iugnay sa pangangailangan ng bayan.
Rosarion Torres Yu
Ano ang layunin ng pananaliksik
Lumalawak at lumalalim ang karanasan sa kontekstong lipunan ng kaniyang pananaliksik.
Nagbibigay ito ng masusing pag-unawa sa mga dinamik ng kultura, politika, at ekonomiya.
Kahulugan at Kabuluhan ng Pananaliksik
Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay gumagamit ng wikang Pilipino o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.
Sa pagpili ng paksa ito ay dapat isaalang alang
mahalagang tanungin muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok at saan patungkol ang gagawing pananaliksik.
Metodo angkop sa kultura at pagpapahalagang Pilipino
- PAGMAMASID
- PAKIRAMDAM
- PAGTATANONG-TANONG
- PAGSUBOK
- PAGDALAW-DALAW
- PAGMAMATIYAG
- PAGSUBAYBAY
- PAKIKILAHOK
- PAKIKISANGKOT
Ang lugar na ito ang laboratoryo ng maka Pilipinong Pananaliksik
Ang Komunidad
KALAGAYAN AT HAMON SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Ang pamantayan sa pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon sa mga internasyonal na pamantayan ng pananaliksik.
Internalisasyon ng pananaliksik
KALAGAYAN AT HAMON SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Nagiging tuntungan ang pagpapaigting ng globalisadong kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon, komersiyo, at pagkatuto lalong-lalo na sa pananaliksik.
INGLES BILANG LEHITIMONG WIKA
KALAGAYAN AT HAMON SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga akademikong larangan at limitado pa rin ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa huminidades, panitikan, at agham panlipunan.
MAKA-INGLES NA PANANALIKSIK SA IBAT-IBANG LARANG AT DISIPLINA
Sa pagpili ng paksa, iwasan ang walang sapat na katibayan at piliin ang nailimbag na sa ibat ibang babasahin bilang batayan ng gagawing pagtalakay. Tama o Mali
Tama
Piliin lamang ang isang bahagi na tiyak na pag-aaralan. Limitahan ang saklaw
Tama
Tungkulin ng mananaliksik na tumuklas o bigyan ng panibagong dimensyon ang isang lumang paksa.
Tama
Tiyakin na ang tanong ay hindi lang masasagot ang dating pangkalahatang kaalaman na makukuha sa internet. Kung hindi ay nagagamitan din ng siyentipikong pamamaraan.
Tama
Ayon sa ________ ang disenyo ng pananaliksik ay detalyadong balangkas ng pagsasagawa ng imbestigasyon.
Business Dictionary
Ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng ibat - ibang paksang panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadistika, at mga teknik na gumagamit ng komputasyon.
Kuwantitatibo
Kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao.
Kuwalitatibo
pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan.
Deskriptibong pananaliksik
Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya sa layuning palitan ng mas epektibong pamamaraan.
Aksiyong pananaliksik
Ano ang pangkalahatang Distinksiyon ng Disenyo ng Pananaliksik
Kuwantitatibo
Deskriptibong
Aksiyong
Historikal
Pag-aaral sa isang kaso o karanasan
Komparatibong pananaliksik
Etnograpikal na pag-aaral
Disenyong eksploratori
Ito ay naglalayong unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
Pag-aaral sa isang kaso o karanasan
Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari
Komparatibong pananaliksik
Uri ng pananaliksik na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
Etnograpikal na pag-aaral
Isinasagawa ito kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa paksa o suliranin. Pokus nito ay magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
Disenyong eksploratori
Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa pananaliksik.
Metodolohiya
Anong salitang latin nanggaling ang Metodolohiya na nangangahulugang patakaran, o alituntunin.
Methodus
, at logia, na nangangahulugang larangan ng pag-aaral.
Tumutukoy sa kabuoang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik
Disenyo
Tumutukoy kung paano mabigyang-katuparan ang disenyo
Pamamaraan
Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik. Kadalasang ginagamitan ng payak na talatanungan o questionnaire.
SARBEY/SURVEY
Ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o hindi kaya ay may personal na kaalaman sa paksa ng pananaliksik.
PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
Halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng nasa talatanungan ngunit ang kaibahan ay nasa pasalita ang pamamaraan at binabasa ang mga tanong.
Stuctured Interview
PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
Nagbibigay ng kontrol sa mga mananaliksik sa magiging daloy ng panayam. Ginagamitan ng gabay na tanong ngunit hindi istrikto ang pagsunod dito.
Semi-structured interview
PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
Malaya ang pakikipanayam. Layunin nitong galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa sa panayam.
Unstructured interview
Isang pamamaraan na ginagamit upang makakalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at dokumento upang malutas ang suliranin.
DOKUMENTARYONG PAGSUSURI
NAKABALANGKAS NA OBSERBASYON AT PAKIKISALAMUHANG OBSERBASYON
pagmamasid sa mga kalahok habang itinatala ang kanilang pagkilos, interaksiyon, at pag-uugali sa pamamagitan ng gabay na obserbasyon.
Nakabalangkas na obserbasyon
NAKABALANGKAS NA OBSERBASYON AT PAKIKISALAMUHANG OBSERBASYON
pag-aaral sa kilos, pag-uugali, interaksiyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran. Ang mga mananaliksik ay nakikisalamuha o nakikisali sa karaniwang proseso o pamumuhay ng mga tao sa komunidad.
Pakikisalamuhang obserbasyon
Sa mga pananaliksik na walang kalahok at dokumento ang pangunahing pagkukunan ng datos, maaaring hindi na isama ang bahaging ito
LOKAL NA POPULASYON NG PANANALIKSIK
Ayon sa ____ nong 2014 Ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.
Free Dictionary
Sa larangan ng Pilosopiya, ang______ ay itinuturing na isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat.
Etika
Sa larangan naman ng pagsasagawa ng pananaliksik ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa.
ETIKA SA PANANALIKSIK
GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK
Mahalagang mabanggit at kilalanin ang iba pang iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng pananaliksik.
Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK
Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondents sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik.
Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok.
GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK
Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK
Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.
Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
Ang _______________ ay tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Plagiarism o pamamalahiyo
Ayon sa Plagiarism.org ang ibang anyo ng pamamalahiyo ay
pag-angkin sa gawa, produkto, o ideya ng iba;
hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala; at
ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito.
Ito ay paglabag ng _____ kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik ng isang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon
paglabag ang redundant publication
Isa ring paglabag ang _______________ kung saan ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sarili ring ideya ang pinagmulan nito
paglabag ang self-plagiarism
Tama o Mali
Isang anyo ng pamamalahiyo ang pagpaparami ng listahan ng sanggunian na hindi naman nagamit sa pananaliksik
Tama
isang karaniwang format sa pagsulat ng mga akademikong papel o
pananaliksik, lalo na sa agham at teknolohiya.
IMRAD
Dito inilalahad ang layunin ng pag-aaral at ang konteksto
nito. Ipinapaliwanag ang mga pangunahing konsepto at isyu na nauugnay sa paksa
ng pag-aaral. Sa seksyong ito rin idinidetalye kung bakit mahalaga ang pananaliksik.
Introduction o Panimula
Tinutukoy at sinusuri nito ang mga ideya, teorya, o konsepto na may
kaugnayan sa iyong paksa. Halimbawa, kung ang paksa ay tungkol sa Wikang Filipino at teknolohiya, maaari kang
magtala ng mga teorya sa pagbabago ng wika o mga pag-aaral ukol sa digital na komunikasyon.
RRL (Review of Related Literature)
Ito naman ay tumutukoy sa mga resulta at pamamaraan ng mga nakaraang
pag-aaral na may kaugnayan sa iyong paksa. Halimbawa, maaari kang magbanggit ng pag-aaral tungkol sa epekto
ng social media sa paggamit ng wika sa kabataan.
RRS (Review of Related Studies)
Nakasaad dito kung paano isinagawa ang
pananaliksik, tulad ng mga kasangkapan, proseso, at pamamaraang ginamit sa
pangangalap at pagsusuri ng datos. Dapat malinaw ang paglalarawan para madaling
sundan ng iba.
Methodology (Pamamaraan)
Tinalakay ang mga pangunahing natuklasan mula sa datos
na nakalap. Maaaring magpakita ng mga tsart, talahanayan, o iba pang grapikal na
presentasyon ng mga datos para madaling maunawaan.
Results (Mga Resulta)
Sinusuri at pinapaliwanag ang
kahulugan ng mga natuklasan. Dito iniinterpret ang mga resulta kaugnay ng mga naunang pag-aaral at mga teorya.
Analysis/Discussion (Pagsusuri/Talakayan)
Dito nilalahad ang buod ng mga pangunahing natuklasan
at kung paano ito tumutugon sa mga tanong ng pananaliksik. Kasama rin ang mga rekomendasyon para sa susunod na pananaliksik o para sa praktikal na aplikasyon ng
mga resulta
Conclusion (Konklusyon)
Ito ay makakatulong upang maging sistematiko at malinaw ang pagsulat, lalo na sa pagpapakita ng lohikal na daloy ng ideya mula sa pagpapakilala ng paksa hanggang sa
konklusyon.
IMRAD