FIL 1 Flashcards
Q: Ilan ang katutubong wika sa Pilipinas?
A: Mahigit 180.
Q: Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?
A: Filipino.
Q: Ano ang wika ayon kay Constantino at Zafra (2000)?
A: Isang kalipunan ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Q: Ano ang ipinapakita ng wika ayon kay Santiago (2003)?
A: Ang wika ay sumasalamin sa mga mithiin, damdamin, kaisipan, at kaugalian ng tao sa lipunan.
Q: Ano ang ibig sabihin ng ponema?
A: Pinakamaliit na yunit ng tunog.
Q: Tama o Mali: Ang wika ay arbitraryo, nagbabago-bago depende sa lugar, panahon, at kultura.
A: Tama.
Q: Ano ang baybayin?
A: Sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino.
Q: Anong antas ng wika ang tinatanggap sa lipunan at ginagamit ng mga makata?
A: Pampanitikan.
Q: Ano ang pinakamababang antas ng wika?
A: Balbal.
Q: Anong teorya ng wika ang nagsasabing nagsimula ito mula sa tunog ng kalikasan tulad ng “Tiktilaok”?
A: Teoryang Bow-wow.
Q: Ano ang ibig sabihin ng monolingguwalismo?
A: Pag-aaral at paggamit ng isang wika.
Q: Ano ang ibig sabihin ng bilingguwalismo?
A: Kakayahang gumamit ng dalawang wika.
Q: Ano ang kahulugan ng homogenous na wika?
A: Wika na umiiral sa isang sektor o grupo na may kaisahan sa uri o anyo, at nagkakaintindihan sa tuntunin.
Q: Ano ang heterogeneous na wika?
A: Wika na ginagamit sa multikultural na komunidad na may iba’t ibang katangian at layunin.
Q: Ano ang ibig sabihin ng dayalekto?
A: Barayti ng wika na ginagamit sa isang partikular na lugar o rehiyon.
Q: Tama o Mali: Ang idyolek ay maaaring maiba depende sa paraan ng pagsasalita ng bawat tao.
A: Tama.
Q: Ano ang etnolek?
A: Bokabularyo ng mga etnolinggwistikong grupo, (tulad ng “vakul” ng mga Ivatan na ibig sabihin ay pantakip sa ulo.)
Q: Ano ang sosyolek?
A: Barayti ng wika na nabubuo batay sa dimensyong sosyal, halimbawa ay ang ‘conyo’ at ‘jejemon’.
Q: Ano ang ibig sabihin ng pidgin?
A: Wikang nabuo mula sa pakikibagay ng dalawang taong may magkaibang wika at walang sinusunod na estruktura.
Q: Ano ang rehistro ng wika?
A: Barayti ng wika kung saan ang uri ng wikang ginagamit ay naaangkop sa sitwasyon at kausap.
Q: Ano ang gamit ng wika ayon kay M.A.K. Halliday?
A: Ang wika ay may iba’t ibang gamit tulad ng instrumental, personal, interaksyonal, regulatori, representasyonal, heuristiko, at imahinatibo.
Q: Ano ang kahulugan ng conative function ng wika ayon kay Roman Jakobson?
A: Paggamit ng wika upang makaimpluwensya o makahikayat.
Q: Ano ang ibig sabihin ng phatic function ng wika?
A: Paggamit ng wika bilang panimula ng usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Q: Ano ang ibig sabihin ng metalingual function ng wika?
A: Paggamit ng wika upang magbigay-linaw o ipaliwanag ang mga suliranin sa pamamagitan ng kuro-kuro.
Q: Tama o Mali: Ang baybayin ay binubuo ng 17 titik na may 3 patinig at 14 na katinig.
A: Tama.
Q: Ano ang pangunahing proyekto ng KALIBAPI noong panahon ng Hapon?
A: Pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan.
Q: Ano ang ginawa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong 1959?
A: Pinalitan ang pangalan ng wikang Pambansa mula sa Tagalog patungong Pilipino.
Q: Ano ang ibig sabihin ng multilingguwalismo?
A: Kakayahang makapagsalita at makaintindi ng tatlo o higit pang wika.
Q: Tama o Mali: Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.
A: Tama.
Q: Ano ang kahulugan ng MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education)?
A: Isang programa na naglalayong mapabuti ang wika ng mga mag-aaral at mapaunlad ang kanilang kakayahang kognitibo at sosyo-kultural.
Q: Ano ang unang wika o mother tongue?
A: Ang unang wika ay ang wikang natutunan ng bata mula pagkasilang at ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamilya at komunidad.
Q: Ano ang wikang panturo?
A: Ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon sa mga eskwelahan.
Q: Ano ang wikang opisyal ayon sa Saligang Batas ng 1987?
A: Filipino at Ingles ang mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Q: Ano ang mga antas ng komunikasyon?
A: Intrapersonal, Interpersonal, Casual, Consultative, Organisational, Pampubliko, at Pangmasa.
Q: Ano ang ibig sabihin ng instrumentong gamit ng wika?
A: Tumutugon ito sa pangangailangan ng tao tulad ng pakikipag-ugnayan.
Q: Ano ang gamit ng wika bilang representasyonal?
A: Ang gamit nito ay sa pagbibigay ng impormasyon o paliwanag.
Q: Tama o Mali: Ang wika ay nagbabago at nakabatay sa kultura.
A: Tama.
Q: Isang teorya ng wika na nagsasabing ang wika ay mula sa tunog ng mga bagay na likha ng tao, tulad ng ‘ding-dong’ o ‘beep’.
A: Teoryang ding-dong
Q: Ang wika ay galing sa bulalas ng emosyon tulad ng saya, sakit, takot, o galit.
A: Teoryang pooh-pooh?
Q: Ang wika ay mula sa pagkumpas ng mga kamay at ang pagkilos ng dila ay nagreresulta sa tunog.
A: Teoryang ta-ta
Q: Ang wika ay nagmula sa mga pinakamadadaling pantig na inuuna ng bata, tulad ng ‘mama’ para sa ‘ina’.
A: Teoryang mama
Q: Katulad ng teoryang ta-ta, ang wika ay mula sa pagtugon ng katawan na isinasagawa ng bibig ayon sa posisyon ng dila.
A: Teoryang yum-yum
Q: Ano ang kontribusyon ni Jose Rizal sa teorya ng wika?
A: Ayon kay Rizal, ang wika ay kaloob ng Diyos sa tao.
Q: Ayon kay Boeree (2003), ang wika ay maaaring nagmula sa mahikal o relihiyosong mga aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
A: Teoryang Hocus Pocus
Q: Ano ang ibig sabihin ng regulatori gamit ng wika?
A: Pagkontrol sa ugali o asal ng iba, tulad ng paalala at babala.
Q: Ano ang gamit ng wika sa heuristic o heuristiko?
A: Ang wika ay ginagamit sa paghahanap o pagkuha ng impormasyon.
Q: Ano ang gamit ng wika bilang instrumental?
A: Tumutugon ito sa pangangailangan ng tao tulad ng pakikipag-ugnayan. Halimbawa ay pakikiusap at pag-uutos.
Q: Ano ang gamit ng wika bilang personal?
A: Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sariling opinyon o kuro-kuro. Halimbawa ay talakayan at debate.
Q: Ano ang gamit ng wika bilang interaksyonal?
A: Tumutulong ito upang mapanatili ang relasyong sosyal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, tulad ng pangungumusta at pagbibiruan.
Q: Ano ang gamit ng wika bilang representasyonal?
A: Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon o paliwanag, tulad ng pag-uulat o paglalahad ng dahilan.
Q: Ano ang gamit ng wika bilang imaginatibo?
A: Ginagamit ang wika upang ipahayag ang imahinasyon sa malikhaing paraan, tulad ng pagsusulat ng kwento, tula, o sanaysay.
Q: Ano ang gamit ng wika bilang impormatib?
A: Ginagamit ito upang magbigay ng impormasyon, tulad ng pagtuturo o pag-uulat.
Q: Ano ang gamit ng wika na referential ayon kay Roman Jakobson?
A: Ginagamit ito upang magbigay ng impormasyon mula sa mga aklat o sanggunian.
Q: Ano ang gamit ng wika na emotive o expressive?
A: Ang wika ay ginagamit upang maipahayag ang emosyon at damdamin.
Q: Ano ang gamit ng wika na poetic ayon kay Roman Jakobson?
A: Ginagamit ang wika sa masining na pagpapahayag tulad ng panulaan, prosa, o sanaysay.
Q: Ano ang gamit ng wika na metalingual ayon kay Roman Jakobson?
A: Ginagamit ito upang magbigay-linaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng komento o kuro-kuro.
Q: Ano ang ibig sabihin ng lingguwistikong komunidad?
A: Isang grupo ng mga taong may kaisahan sa paggamit ng wika at sumusunod sa mga tuntunin ng wika.
Q: Ano ang teoryang Tore ng Babel?
A: Teoryang nagsasabing ang wika ay nagmula sa paghati ng Diyos sa iisang wika ng mga tao sa Tore ng Babel, na nagresulta sa iba’t ibang wika.
Q: Ano ang kahulugan ng creole?
A: Isang wikang mula sa pidgin na naging unang wika ng isang komunidad at ipinasa sa mga susunod na henerasyon.
Q: Ano ang gamit ng gay lingo bilang sosyolek?
A: Isang barayti ng wika na ginagamit sa komunidad ng LGBTQ+, tulad ng “Wiz ko feel ang mga hombre ditech!”
Q: Ano ang teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay?
A: Teoryang nagsasabing ang wika ay nagmula sa mga tunog na ginagawa ng tao sa mga ritwal o seremonya.
Q: Ano ang teoryang Hey you!?
A: Teoryang nagsasabing ang wika ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa bilang pagbuo ng koneksyon o pagkakakilanlan.
Q: Iba’t ibang uri ng wika batay sa gamit at pormalidad, kabilang ang pormal (pambansa, pampanitikan) at di-pormal (kolokyal, lalawiganin, balbal).
A: Antas ng Wika.
Q: Ito ang wikang karaniwang tinatanggap at ginagamit ng lipunan, kasama rito ang pambansa at pampanitikan na antas.
A: Pormal na wika.
Q: Wikang ginagamit sa pangkalahatang lipunan, tulad ng mga salita na karaniwan sa lahat ng Pilipino, halimbawa, ‘ina’ at ‘gutom’.
A: Pambansang antas ng wika.
Q: Pinakamataas na antas ng wika na ginagamit ng mga makata at manunulat, halimbawa, ‘ilaw ng tahanan’ para sa ina.
A: Pampanitikan na antas ng wika.
Q: Pinaikli o binagong anyo ng mga salita, halimbawa, ‘ma’ mula sa ‘mama’, at ‘sigaryo’ mula sa ‘sigarilyo’.
A: Kolokyal na antas ng wika.
Q: Mga salita na ginagamit sa isang rehiyon o lugar na kadalasan ay hindi nauunawaan ng ibang rehiyon, halimbawa, ‘inahan’ para sa ina sa Cebuano.
A: Lalawiganin na antas ng wika.
Q: Pinakamababang antas ng wika, madalas itong wika ng lansangan, halimbawa, ‘yosi’ para sa sigarilyo.
A: Balbal na antas ng wika.
Q: Sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol, binubuo ng 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig.
A: Baybayin.
Q: Isang wika o diyalekto na ginagamit ng mga tao na may magkaibang unang wika upang magkaunawaan.
A: Lingua Franca.
Q: Ano ang layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)?
A: Isinusulong ng KWF ang pagpapayaman at pagtaguyod ng Filipino bilang pambansang wika, batay sa umiiral na mga wika sa bansa.
Q: Uri ng komunikasyon na ginagamit sa propesyonal o pangnegosyo na ugnayan, tulad ng guro at mag-aaral o doktor at pasyente.
A: Consultative na antas ng komunikasyon.
Q: Impormal na uri ng komunikasyon na ginagamit sa pakikipag-usap sa kaibigan o katrabaho.
A: Casual na antas ng komunikasyon.
Q: Komunikasyon na isinagawa sa harap ng madla o maraming tao, gaya ng talumpati o pagbibigay ng anunsyo.
A: Pampubliko na antas ng komunikasyon.
Q: Komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao, halimbawa ay isang usapan o palitan ng mensahe.
A: Interpersonal na antas ng komunikasyon.
Q: Komunikasyon ng tao sa sarili, gaya ng pag-iisip o pagninilay.
A: Intrapersonal na komunikasyon.