Feasibility study Flashcards
isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sangkap at epekto ng Iminumungkahing produkto at/o serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan.
feasibility study
Mahalagang magawa ang feasibility study upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo. Siyentipiko ang pag-aaral na ginagawa sa feasibility study, kung kaya mapaghahandaan ang iba’t ibang maaaring maging epekto at mga sanhi na makapagpapabago sa produkto’t serbisyo na maaaring ibigay
kahalagahan ng isang feasibility study
-Pangkalahatang Lagom / Executive Summary
-Paglalarawan ng Produkto at /o Serbisyo
-Kakailanganging Teknikal na Kagamitan
-Marketplace
-Estratehiya sa Pagbebenta
-Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo
-Iskedyul
- Projection sa Pananalapi at Kita
- Rekomendasyon
iba’t ibang bahagi ng isang feasibility
Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng lalamaning feasibility study. Madalas, huli itong isinusulat kapag buo na ang lahat ng iba pang bahagi.
Pangkalahatang Lagom / Executive Summary
Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang produkto/serbisyong inimumungkahing ibenta/ibigay. Mahalagang mabigyang-diin ang kalakasan ng produkto/serbisyo na ibinibigay at kung anong benepisyo nito sa gagamit.
Paglalarawan ng Produkto at /o Serbisyo
Ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan kaugnay ng aspektong teknolohikal.
Kakailanganging Teknikal na Kagamitan
Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto. Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba pang produkto/serbisyo.
Marketplace
Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung paano maipaaabot sa gumagamit ang produkto/serbisyo. Iniaayon ng marketing ang kahilingan at kaparaanan kung paano mahihikayat na kunin ang produkto/serbisyo.
Estratehiya sa Pagbebenta
Tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at ang kanilang espesipikong trabaho para sa produkto/serbisyo.
Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo
Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga produkto/serbisyo.
Iskedyul
Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakikitang benepisyong pampananalapi.
Projection sa Pananalapi at Kita
Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at pagbibigay-mungkahi batay sa ikalawa hanggang ikawalong bahagi.
Rekomendasyon
Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino.
a. Nasusuri kung ano ang angkop na negosyo batay sa pangangailangan ng tao o konsyumer sa isang lokasyon.
b. naisasagawa ang mga hakbangin at paghahanda sa pagbuo ng plano sa pagpili ng negosyo
Layunin
Komprehensibo
Espesipiko
Mga salitang teknikal
Detalyado
Deskripsyon ng proyekto
Market feasibility
Technical feasibility
Financial/economic feasibility
Organizational/managerial feasibility
mga katangian ng feasibility study
ang tuon ay ang pamamahala at legal na estruktura ng negosyo.
Organizational/managerial feasibility