Feasibility Study Flashcards
Ito ay pag-
aaral at ang pag-evaluate ng isang proyekto
o gawain upang malaman kung ito ba ay
magiging matipid, gagana sa sinasaklawang
lugar, tatangkilikin ng mga mamimili, o
kung ang proyekto ba ay may kakayahang
kumita ng pera sa pangmatagalan
Feasibility Study
Mga Importanteng Nilalaman ng Feasibility Study
- Kapital
- Mga target ba mamimili
- Patakaran
- Mga balakod sa paglago ng negosyo
Mga Sinasaklawang Paksa ng isang
Feasibility Study
- Market Issues
- Technical at Organizational Requirements
- Financial Overview
Bahagi ng Feasibility Study
- Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
- Kailangan ng Teknikal na Kagamitan
- Marketplace
- Estratehiya sa Pagbebenta
- Mga Taong may Gampanin sa Produkto/Serbisyo
- Iskedyul
- Projection sa Pananalapi at Kita
- Rekomendasyon
- Pangkalahatang Lagom/Executive Summary
Mga Uri ng Feasibility Study
- Operasyonal
- Teknikal
- Iskedyul
- Ekonomik
Pinag-aaralan kung may mga bagay pa na kailangang idagdag o
kailangang gampanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
bagong posisyon sa kumpanya. Ganun din naman kung
kailangan bang magbawas ng mga tauhan dahil sa mga
nakikitang pagbabago sa merkado.
Technical at Organizational Requirements
Ito ang pag-oobserba kung ano ang nakikitang pagbabago sa
merkado o sa industriyang kinapapalooban ng isang negosyo.
Market Issues
Pinag-aaralan ng isang feasibility study kung ang
kalakip na kapital ay magiging sapat sa paglulunsad ng
bagong negosyo o magiging kulang
Financial Overview
Ang mga suliranin sa
mga manggagawa, sa aspetong legal, at mga suliraning pwedeng
harapin at makita ng isang organisasyon.
Operasyunal
Inaalam din
nito kung ang mga manggagawa ba ay may kakayahang
magpatakbo ng teknolohiya at sistema.
Teknikal
Sa uring ito, inaalam kung ang mga iskedyul ay
makatwiran. Base sa mga tao, pinansyal, teknolohiya, at mga
polisiya ay inaalam kung ang oras na itinalaga ay sasapat upang
matapos ang isang proyekto.
Iskedyul
Ito ang pinakaimportante sa lahat kung
susumahin ang isang feasibility study. Inaalam ng isang
gumagawa ng feasibility study kung ang lahat ba ng solusyon ay
may kaakibat na gastusin. Tinitimbang niya ang gastusin at
kung ito ba ay risonable sa mga makukuhang benepisyo. Ang
tawag sa ganitong sistema ay cost-benefit analysis
Ekonomik
isang metodo o proseso
na ginagawa upang makita
ang maaaring magastos at
maaaring pagkakitaan sa
isang isinusulong na
proyekto kung ito ay
maisasakatuparan
Cost Benefits Analysis
Ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong
kinakailangan kaugnay ng apektong
teknolohikal
Kakailanganing Teknikal na Kagamitan
Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan
kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto.
Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang
kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at
kung ano ang bentahe nito sa iba pang
produkto/serbisyo
Marketplace