Espiritwalidad at Pananapalataya Flashcards
q3wk1
Ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
PANANAMPALATAYA
Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya.
PANANAMPALATAYA
Isa itong biyaya na maaaring malaya niyang tanggapin o tanggihan.
PANANAMPALATAYA
PANANAMPALATAYA
Naipapahayag ng tao ang kaniyang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng (?).
aktuwal na pagsasabuhay nito
PANANAMPALATAYA
Tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang (?) ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan. Kung kaya’t, ang pananampalataya ay hindi maaaring lumago kung hindi (?) para sa kapakanan ng kapuwa.
pagsasabuhay, isinasabuhay
Ibigay ang iilang relihiyon na nagpapakita ng pananampalataya.
KRISTIYANISMO, BUDDHISMO, ISLAM
PANANAMPALATAYANG KRISTIYANISMO
Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng (?), (?), at (?) ipinakita ni (?).
pag-asa, pag-ibig, paniniwalang, Hesukristo
Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
Pananampalatayang Kristiyanismo
Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may (?) at (?). Ang pagtanggap na ito ay nagmula sa pagkakaroon ng tiwala sa Diyos sa bawat oras at pagkakataon.
kagaanan, likas na pagsunod, Pananampalatayang Kristiyanismo
Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagpakumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa kapuwa.
Pananampalatayang Kristiyanismo
Ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa. Ang pagnanasa ay nagbubunga ng (?), (?), at labis na (?).
Pananampalatayang Buddhismo, kasakiman, matinding galit sa kapuwa, pagpapahalaga sa materyal na bagay
Ito ang nakatuon sa aral ni (?) o ang (?), na isang mangangaral ng mga Buddhismo.
Siddhartha Gautama, Buddha
-ANONG PANANAMPALATAYA ITO
May (?) na katotohanan na naliwanagan kay (?), ang (?) (ibig sabihin “(?)”)
Pananampalatayang Buddhismo, apat, Siddhartha Gautama, Buddha, The Enlightened One
ibigay ang apat na katotohanan ng buddhismo
1.) Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa).
2.) Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’).
3.) Ang pagnanasa ay malulunasan.
4.) Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path)
apat na katotohanan (anong pananampalataya)
Pananampalatayang Buddhismo
Right View, Right Mindfulness, Right Concentration, Right Effort, Right Livelihood, Right Action, Right Speech, Right Intention (counter-clockwise)
8 Fold Paths
PANANAMPALATAYANG ISLAM
Ito ay itinatag ni (?), isang (?).
Mohammed, Arabo
Ang mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa (?), ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim
Koran
Sa bawat Muslim, ang kaniyang pananampalataya ay aktibo sa lahat ng araw at panahon ng kaniyang buhay habang nabubuhay siya. Ito ay dahil sa (?) ng Islam, na dapat na isakatuparan.
Limang Haligi
LIMANG HALIGI NG ISLAM
Ayon sa mga Muslim, walang ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang Sugo. Ito ay nangangahulugan ng pagsamba sa Iisang Diyos at di pagbibigay o pagsasama sa Kaniyang kaisahan.
Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba).
LIMANG HALIGI NG ISLAM
Sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na pangkatawan at pang-espiritwal. May (?) takdang pagdarasal sila sa araw araw. Ito ay paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan.
Ang Salah (Pagdarasal), limang
LIMANG HALIGI NG ISLAM
Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramadan. Ang pag-aayuno para sa kanila ay isang bagay na pagdisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaaring dumating sa buhay
Ang Saum (Pag-aayuno)
LIMANG HALIGI NG ISLAM
ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah. Ito ay hindi lamang naglalayon ng pagtulong sa kapuwa kundi paglilinis sa mga kinita o kabuhayan upang ibahagi sa kanilang kapuwa Muslim
Ang Zakat (Itinakdang Taunang Kawanggawa)
LIMANG HALIGI NG ISLAM
Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng (?), ang sentro ng Islam sa buong mundo.
Ang Hajj (Pagdalaw sa Mecca), Mecca