Esp all (short) lesssonss Flashcards
Ano ang Kilos ng Tao?
Ito ay likas at mga kilos na nagaganap sa tao na walang aspeto ng pagiging mabuti o masama.
Hal. Paghinga, Pagkurap ng Mata
Ano ang Makataong Kilos?
Isinasagawa ng may kaalaman, kalayaan at pagkukusa. May pananagutan ang tao sa bunga ng kaniyang piniling kilos.
Ano ang pagkakaiba ng Kilos ng Tao at Makataong Kilos?
Kilos ng Tao ay hindi ginagamitan ng kilos loob at isip, samantalang ang Makataong Kilos ay ginagamitan ng Kilos loob at Isip.
Ano ang tatlong uri ng pananagutan ayon kay Aristoteles?
- Kusang-Loob: May kaalaman at Pagsang-ayon.
- Di Kusang Loob: Paggamit ng kaalaman ngunit kulang sa pagsang-ayon.
- Walang Kusang Loob: Walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon.
Ano ang mga eksepsyon at kabawasan ng pananagutan?
Paglalayon, Pagkakatuwiran, Pagpili ng pinakamalapit na paraan, Pagsakilos ng paraan.
Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao?
- Kamangmangan
- Masidhing Damdamin
- Takot
- Karahasan
- Gawi
Ano ang Kamangmangan?
Kawalan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
a. Kamangmangang nadaraig: Kawalan ng kaalaman subalit may pagkakataong itama.
b. Kamangmgang hindi nadaraig: Kawalan ng kaalaman na hindi alam na dapat malaman.
Ano ang Masidhing Damdamin?
Dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos na mas matimbang kesa sa isip.
Ano ang Takot?
Pagkabagabag sa isip ng tao dahil may nagbabanta sa kaniyang buhay.
Ano ang Karahasan?
Pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang kilos na labag sa kaniyang kalooban.
Ano ang Gawi?
Gawaing paulit-ulit na isinasagawa kaya nagiging bahagi na ng ating sistema sa pang araw-araw.
Ano ang Moral na Pagpapasya?
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan at pananagutan. Kailangan timbangin ang masama at mabuting idudulot nito.
Ano ang Mabuting Pagpapasya?
Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng isang bagay.
Ano ang mga hakbang sa Moral na Pagpapasya?
- Proseso ng Pakikinig
- Mangalap ng Patunay
- Isaisip ang mga Posibilidad
- Maghanap ng Ibang Kaalaman
- Tignan ang Kalooban
- Umaga at Magtiwala sa Tulong ng Diyos
- Magsagawa ng Pasya.
Ano ang Pagtataya ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos?
Makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ng ating pagkatao.
Ano ang dalawang uri ng Kilos Loob?
- Panloob na Kilos: Nagmula sa Isip at Kilos Loob.
- Panlabas na Kilos: Pamamaraan upang maisakatuparan ang panloob na kilos.
Ano ang mga salik na nakakaapekto sa kilos?
- Layunin
- Paraan
- Sirkumstansiya