ESP Flashcards
Ano ang persona ayon kay Scheler?
pagka-ako ng bawat tao na nagpapabukod-tangi
Ano ang pananampalataya?
Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay.
Ano ang espiritwalidad?
diwa sa kaibuturan ng buhay
Ano ang apat na uri ng pagmamahal ayon kay C.S. Lewis?
- Affection/Storge 2. Philia 3. Eros 4. Agape
Ano ang Affection/Storge?
Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o sa mga taong nagkakilala at naging malapit sa isa’t isa.
Ano ang Philia?
Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan na may iisang tunguhin o nilalayon.
Ano ang Eros?
Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao, kadalasang tumutukoy sa pisikal na nais.
Ano ang Agape?
Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal, pagmamahal na walang kapalit, katulad ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
Ano ang mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos?
- Panalangin 2. Panahon ng pananahimik o pagninilay 3. Pagsisimba o pagsamba 4. Pag-aaral ng salita ng Diyos 5. Pagmamahal sa kapuwa.
Ano ang alkoholismo?
Ito ay ang malabis na pagkunsumo ng alak na nagdudulot ng mga negatibong epekto sa kalusugan.
Ano ang paninigarilyo?
Ito ay ang paggamit ng sigarilyo na nagdudulot ng sakit gaya ng cancer at delikado hindi lamang sa naninigarilyo kundi pati sa mga second hand smoker.
Ano ang paggamit ng pinagbabawal na gamot?
Ito ay ang pisikal na pagdepende sa mapanganib na gamot na nagiging sanhi ng gulo o krimen.
Ano ang aborsyon?
pag-aalis ng fetus sa sinapupunan ng ina
Ano ang dalawang uri ng aborsyon?
A. Kusa o Miscarriage B. Sapilitan o Induced
Ano ang Kusa o Miscarriage?
hindi sadyang pagkalaglag ng sanggol
Ano ang Sapilitan o Induced?
Ito ay pag-inom ng gamot o pagpapaopera upang matanggal ang sanggol o fetus sa sinapupunan ng ina.
Ano ang Pro-Life?
likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay
Ano ang Pro-Choice?
Naniniwala na ang isang buntis na indibidwal ay may karapatang magdesisyon para sa kanyang sariling katawan.
Ano ang pagpapatiwakal?
Ito ay sadyang pagkitil sa sariling buhay at kadalasang ginagawa upang matakasan ang mabigat na problema.
Ano ang euthanasia?
Tinatawag din na mercy killing, ito ay ang pagpapadali ng kamatayan ng isang tao o pasyente na may matinding karamdaman.
Ano ang dalawang uri ng euthanasia?
A. Active Euthanasia B. Passive Euthanasia
Ano ang Active Euthanasia?
Uri ng euthanasia kung saan winawakasan ang buhay ng pasyente sa pamamagitan ng pag-overdose ng gamot.
Ano ang Passive Euthanasia?
tinatanggal ang life support at pagtigil sa pagpapainom ng gamot.