ESP Flashcards

1
Q

Ang personal na ugnayan ng tao sa sa Diyos.

A

Pananampalataya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

TAMA O MALI:
Ayon kay Sto. Tomas, ang persona ay “ang pagka-ako” ng bawat tao na
nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya ang espiritwalidad ng ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao.

A

Mali, ito ay ayon kay Scheler

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim.

A

Pananamapalatayang Islam

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.

A

Pananampalatayang Kristiyanismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ayon sa mga Muslim, walang ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang Sugo.

A

Ang Shahadatain
(Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na pangkatawan at pang-espiritwal. May limang takdang pagdarasal sila sa araw-araw.

A

Ang Salah
(Pagdarasal)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ito ay obligasyon ng
bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramdhan.

A

Ang Sawm
(Pag-aayuno)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ito ay hindi lamang boluntaryong
pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah.

A

Ang Zakah
(Itinakdang Taunang Kawanggawa)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo.

A

Ang Hajj
(Pagdalaw sa Meca)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ayon dito, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa.

A

Buddhismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Isang dakilang mangangaral ang mga Budhismo nakatuon sa aral niya na ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay.

A

Sidhartha Gautama (Budha)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Siya ay kinikilala ng mga Budhista na isang naliwanagan.

A

Sidhartha Gautama (Budha)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ibigay ang apat na katotohanan na naliwanagan kay
Sidharta Gautama.

A
  1. Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa).
  2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’).
  3. Ang pagnanasa ay malulunasan.
  4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path) – tamang pananaw, tamang intensiyon, tamang pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atensiyon.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

MGA PARAAN UPANG MAGKAROON NG
MABUTING UGNAYAN SA DIYOS:

A
  1. Pananalangin
  2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
  3. Pagsasamba
  4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
  5. Pagmamahal at paggalang sa kapuwa
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ito ay ang pagmamahal bilang
magkakapatid

A

Affection

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan.

A

Philia

17
Q

Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao.

A

Eros

18
Q

Mahal mo siya dahil maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.

Anong uri ito ng pagmamahal?

A

Eros

19
Q

Ito ang pinakamataas na uri ng
pagmamahal.

A

Agape

20
Q

Ito ay ang pagmamahal na
walang kapalit.

A

Agape

21
Q

Uri ng pagmamahal na ibinibigay ng Diyos sa tao.

A

Agape

22
Q

Ito ay “isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na
nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.”

A

Paggamit ng ipinagbabawal na gamot

23
Q

Itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilan ang paglaki ng pamilya o populasyon sa ibang bansa

A

Aborsyon

24
Q

PRO-LIFE O PRO-CHOICE:

Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi; ang pagpapalaglag sa kaniya ay pagpatay, na tuwirang nilalabag ang mga pamantayang moral.

A

PRO-LIFE

25
Q

PRO-LIFE O PRO-CHOICE:

Tungkulin ng isang ina na iwasan ang pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais magkaanak. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina, dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito.

A

PRO-LIFE

26
Q

PRO-LIFE O PRO-CHOICE

Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kaniyang ina at umaaasa pa rin ito sa katawan ng kaniyang ina upang mabuhay. Ang katawan ng ina ang prayoridad at may karapatan siyang magpasiya para rito.

A

PRO-CHOICE

27
Q

Ito ay ang pagkawala ng sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis.

A

KUSA/MISCARRIAGE

28
Q

Ito ay pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol sa
pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot.

A

SAPILITAN/INDUCED

29
Q

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may mga sitwasyon kung kailan ang isang kilos na nararapat gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto. Bilang resulta nagkakaroon ng isang problemang etikal.

A

Douvle Effect

30
Q

Ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay na naaayon sa sariling kagustuhan.

A

Pagpapatiwakal

31
Q

Ito ay prosesong nagpapadali sa pagkamatay ng isang tao (paggamit ng gamot o medisina) na kinakailangang gawin ng mga doktor upang hindi na magdusa pa ang pasyente o sinabi ng pasyente mismo na ito ang kanilang gagawin.

A

Euthanasia

32
Q

Pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayan na bumubuo rito.

A

Pagmamahal sa bayan

33
Q

Ito ayt umutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.

A

Nasyonalismo

34
Q

Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan bilang lalaki at babae. Binasbasan sila ng
Diyos at binigyan ng tagubilin na magparami. Kaakibat ng pagbabasbas na ito ay ang utos na
punuin ang daigdig at magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na sa lahat ng Kaniyang nilalang.

A

Genesis, Kabanata 1, Talata 27-31

34
Q

Ito ay tumutukoy sa sa lahat ng nakapaligid sa atin may buhay man o wala.

A

Kalikasan

35
Q

Ito ay mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay “ama” na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.

A

Patriyotismo

36
Q

TAMA O MALI:

Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik tulad ng hangin, lupa, tubig at iba pa na siyang nagbibigay daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang sa kanilang buhay.

A

TAMA