EP Flashcards
Ano ang title ng Aralin 6
Makataong Kilos Tungo sa Mapanagutang Pagkiling sa Kabutihan
Pinakamataas na uri na nilikha ng Diyos
Tao
Boluntaryo o may kusa kung ito ay pinag-isipang mabuti at malayang naisasagawa.
Makataong Kilos
Isang Amerikano sa Chicago na nagsulat ng apat na katanungang gagabay sa pagkilos moral ng tao
Herbert J. Taylor
Ang Four Way Test
- Katotohanan
- Patas sa Kinauukulan
- Pagmamagandang-loob at pagkakaibigan
- Kapaki-pakinabang
Hindi nagbabago o nababaluktot; napakahalagang batayan ng moralidad
Katotohanan
Katotohanan sa wikang Latin
Veritas
Katotohanan sa wikang Griego
Aletheia
Mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos
Ideolohiya
Mga IDEOLOHIYA
Moral na Positibismo/Hedonismo/Utilitaryanismo/Moral na Ebolusyonismo/Komunismo
Paniniwala na walang likas na batas kaya walang likas na karapatan ang tao.
Moral na Positibismo
Ito ay nanggaling sa salitang Griego na hedone na ang kahulugan ay kasiyahan. Ito ang paniniwala na ang pinakamataas na kabutihan ay ang kasiyahan ng tao.
Hedonismo
Ito ay paniniwala na ang batayan ng isang pagkilos ng tama o mali ay nakasentro sa resulta nito lalo na kung ito ay napapakinabangan
Utilitaryanismo
Ito ay paniniwala na ang moralidad o ang pagsusuri sa tama o mali ay hindi pa tiyak
Moral na Ebolusyonismo
Ayon sa kanya ang kabutihan ay paghahangad na maging malaya taglay nito ang kayamanan
Friedrich Nietzche
Ang ideolohiyang ito ay itinatag ni Karl Marx sa pagnanais na wakasan ang kapitalismo
Komunismo
Tatlong katangian sa pagiging mapanagutan sa bawat pagpapasiya
- Angking kaalaman ng tao
- Angking kalayaan
- Pagkukusa ng pagkilos
Title ng Aralin 7
Salik sa Mapanagutang Pagkilos at Pagpapasiya
Ito ay likas na mabuti dahil siya ay nilikhang kawangis ng Diyos
Tao
Mahalagang salik sa paghubog ng pagpapasiya
Kapaligiran
MGA SALIK SA MAPANAGUTANG PAGKILOS AT PAGPAPASIYA
- Emosyon
- Inggit
- Galit
- Kayabangan
- Kasakiman sa Kapangyarihan at sa Kaakibat na Kapangyarihan
- Kahalayan
- Katamaran
- Kasibaan sa Pagkain
Reaksyon ng sensitibong pakiramdam sa pagkilos
Emosyon
Ang pinakapundamental na emosyon ng tao
Pag-ibig
Ang paggawa ng kabutihan
Pagnanais
Ang pananalig na makamtam ang ninanais
Pag-asa
Ang kasiyahan dahil sa nakamit na kabutihan
Kaligayahan
Ang pagkamuhi dala ng kutob ng loob
Pagkapoot
Ang pagkalungkot gawa ng presensiya
Kalungkutan
Ang pangamba dala ng kutob
Takot
Ang pagkayamot dala ng pagtanggi
Galit
Ito rin ay nakaugat sa sarili
Inggit
Ito ay nakaugat sa pagkawala ng respeto sa tao
Galit
Ang pagmamalaki ay nakasentro lamang sa sarili
Kayabangan
Ito ay labis na paghahangad ng kayamanan
Kasakiman sa Kayamanan at sa Kaakibat na Kapangyarihan
Ito ay nakatutok sa mga kasiyahang seksuwal
Kahalayan
Ito ay nakagawian na katamaran o pagkabatugan
Katamaran
Ito ay kalabisan sa pagkain
Kasibaan sa Pagkain
ANG IMPLUWENSIYA NG KAPALIGIRAN
- Internet
2. Mga Programa sa Telebisyon
Title ng Aralin 8
Layunin, Paraan, at Sirkunstansiya: Batayan ng Makataong Pasiya at Kilos
Ito ay hadlang o sagabal sa pagkamit ng ninanais na layunin
Suliranin
PAGHUBOG SA PAGPAPASIYA TUNGO SA MAKATAONG PAGKILOS
- Kamangmangan
- Mga Bisyo
- Karahasan
Nagagamit sa paggawa ng krimen dahil sila ay hind makukulong
Kamangmangan
Paglabag sa batas ng mga bata na nasa murang edad
Juvenile delinquency
MGA BISYO
- Paninigarilyo
- Pag-inom ng Alak
- Pagsusugal
- Pakikiapid
- Paggamit ng Ipinagbabawaln na Gamot
Minsang nagtutulak sa tao sa maling direksiyon
Masidhing Damdamin
Tanging layunin ng tao
Makita ang makapiling ang lumikha sa kanya
PARAAN UPANG MAKAMIT ANG MAKATAONG PAGKILOS
- Paggamit ng Mapanuring Pag-iisip
- Ang Paggamit ng Tamang Konsensiya
- Paggamit ng Kalayaan
ILANG BATAYAN SA PAGKILALA NG GAWANG MABUTI O MASAMA
- Layunin ng Aksiyon
- Layon ng May-aksiyon
- Mga Sirkunstansiya o Pangyayari
Kumakatawan sa dahilan o sanhi
Layunin ng Aksiyon
Kumakatawan sa mismong motibo at personal na intensiyon ng taong gumagawa ng aksiyon
Layon ng May-Aksiyon
Mga elementong bumbalot sa kalikasan ng isang aksiyon
Mga Sirkunstansiya o Pangyayari
Title ng Aralin 9
Tamang Pagpapasiya sa Bawat Yugto ng Buhay
MGA YUGTO NG MAKATAONG MAKILOS
- Kamalayan
- Pagkakaroon ng Interes sa Nakikitang mga Pangyayari
- Pagpapasiya
- Pagkilos
Unang yugto. Namumulat ang mga mata at kaisipan na mayroon palang ganitong nangyayari
Kamalayan
Nagkakaroon ng pagnanais na matuklasan ang mga dahilan ng pangyayari
Pagkakaroon ng Interes
Tungo sa ikalulutas ng problema o ikabubuti ng pangyayari
Pagpapasiya
Magbibigay katuparan sa lahat ng nagawang pagninilay-nilay
Pagkilos
MGA MODELONG BAYANI NG MAKATAONG PAGKILOS
Jose Rizal, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio
Title ng Aralin 10
Kahalagahan ng Mabuting Asal at Makataong Kilos
Tinatayang sentro ng makataong kilos
Asal
Ginagamit bilang pagtukoy sa ugali
Asal
Tatlong pangunahing elemento ng asal
- Kapwa
- Damdamin
- Dangal
Tumutukoy sa kondisyon ng pagiging bahagi ng isang ugnayan at ng pagkakaroon ng pantay na pagtingin. Moral na pamantayan ng Pilipino sa ugnayan ng mga tao
Kapwa
Pagsasaalang-alang sa saloobin ng iba.
Damdamin
PAGPAPAKITA NG ASAL MATUWID UPANG HINDI MASAKTAN ANG DAMDAMIN
- Hiya
- Delicadeza
- Awa
Ito ang panlipunang, ito ang pamantayan kung paano kumilos ang isang indibidwal
Hiya
Ito ang konseptong hiram sa Kastila na nangangahulugan ng pangangalaga sa sariling karangalan
Delicadeza
Ito ay damdaming pangkrisis na kaugnay ng kabaitan
Awa
Ang dignidad at karangalan ng pagkatao
Dangal
PAMANTAYAN NA SINUSUPORTAHAN NG DANGAL
- Bahala o Pagkakabahala
- Galang
- Utang na Loob
Pagkamapanagutan sa sariling kilos at sa kabutihan ng kapwa
Bahala o Pagkabahala
Ito ay pagbibigay-respeto o pagkilala sa pagkatao ng iba
Galang
Ito ay pinakapapalooban ng pagpapasalamat o pagtanaw ng kabutihang-loob
Utang na Loob
MAKATAONG PAGKILOS NA MAARING GAWIN NG KABATAANG PILIPINO
- Pagpapakain sa mga Nagugutom
- Pagbibigay ng Damit sa mga Biktima ng Kalamidad
- Pagdamay sa mga Namatayan
- Pagbibigay ng Matutulugan sa mga Walang Tirahan
- Ang Pag-Aalaga sa mga Maysakit o may Karamdaman