Elemento ng tula Flashcards
Ano ang Tula?
ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao.
Ilang pantig ang nasa wawaluhin?
Walo o eight(8)
Ano ang sesura?
ang saglit na pagtigil sa gitna o sa ikaanim na pantig.
Ano ang tugma?
ang magkakatunog na pantig/salita sa bawat taludtod.
Ang talinghaga ay ang paggamit ng masining na salita. Tama o Mali.
Tama.
Ang di-ganap na tugma ay ang parehong patinig pero ibang katinig. Tama o mali?
Tama.
Ano ang ibig sabihin ng “alog na ang baba”?
matanda na.
Ano ang ibig sabihin ng “amoy lupa”?
Matanda na o malapit na mamatay.
Ano ang pagkakaiba ng pagtutulad at pagwawangis?
Ang pagtutulad ay gumagamit ng pananda habang ang pagwawangis ay direktang pinagtutulad na walang pananda.
Anong klaseng tayutay ito?
“Hindi ka maganda, kaya ang daming lalaki ang na-bighani sa iyo.”
Pag-uyam.
Anong klaseng tayutay ito?
“Sa sobrang lakas ng Bagyong Ulysses, napahiga ang mga puno at mga poste.”
pagsasatao
Anong ibig sabihin ng “mabigat ang kamay”?
Nakakasira agad / nananakit
Ilang pantig ang lalabingwaluhin?
eighteen(18)